ONE SHOT

44 3 1
                                    

Hi! /Shete ang formal/ Yow! /Ang jeje, YUCK!/ Annyeong~~ /yuunnn!! Perfect!/

Ako si Toni. Nope! Hindi ako lalaki, babae ako! Simpleng babae lang. Mabait, hindi gaanong matalino and UGH!!. LOLSS. Enough with those shits. I'll be straight. Kaya ko sinulat ang kuwentong ito kasi gusto ko lang ishare yung karanasan ko sa pagiging abangers nating mga babae. Eto ay lesson para sa inyo at para narin sa akin at sa mga katulad kong mahilig mag-intay. Hayy~~ Simulan na nga nang matapos.

Isa lang akong normal na 4th year student nun. So, basically around 15 ako that time. Bata pa ako kaya wala pa akong alam sa mga bagay-bagay at love. But bukas na ang mga isip ko sa mga keberdehan ng mundo. Haha! Just like the others, nagkaka-crush din ako. Sa mga celebrities, idols, and mga classmates or schoolmates. Hindi naman yun maiiwasan eh. Magtaka ka kapag wala! ABA!! Abnormal ka kapag hindi ka nagkaroon kahit isang crush!

At katulad lang din ng mga nasa cliche books and romantic movies, nagka-crush lang naman ako sa gwapo, and yes, gwapo pero pangit ang ugali. HEP!! Alam ko na nasa isip mo! Wala eh dun ako tinamaan, ano gagawin ko?

4th year din siya nun. Kenneth yung pangalan niya. Yeah, pogi kahit pangalan palang no? That time feel ko na eh. Siya na talaga. Oo na, narinig ko lang din yan sa movie. Patay na patay ako sa gwapong yun. Oo na, patay lang. LOLSS! So dahil head over heels ako kay Kenneth gumagawa ako ng paraan makalapit lang sa kanya.

Kahit nga bestfriend ko sinabihan na ako na iwasan at tsaka kalimutan ko na si Kenneth. Matigas lang talaga tong ulo ko at sige parin ako sa pag-tingin sa malayo at pag-MAHAL sa kanya. /yuuucckkk/

JS prom nun ng makalapit ako sa kanya. Tho, hindi na yun yung first time na naka-usap at nalapitan ko siya. Yung bestfriend niya kasi may gusto sa bestfriend ko kaya minsan nakakalapit ako sa kanya. SYEMPRE KINIKILIG AKO NUN!!

SO, ayun nga. Naka-upo kami kasama yung mga bestfriend ko nun sa isang table at across our table, nandun sila Kenneth. Nakita ko yung bestfriend ni Kenneth na nakatingin sa bestfriend ko, gusto ko sila tulungan mag-kaayos ng bestfreind ko at tsaka para naman ma-solo ko si Kenneth. HAHA!

Nag-paalam ako sa bestfriend ko na aamin na ako sa crush ko, at hindi naman niya ako pinigilan. Alam naman kasi naming dalawa that after this year, hindi na namin sila makikita kasi pupunta na kami ng bestfriend ko sa Korea. Aware ako na kahit umamin ako, ako rin ang unang lalayo. Ganun din naman ang ginagawa ng bestfriend ko, lumalayo na siya kahit mahal niya yung tao kasi masakit sa kanya at sa mahal niya yun. Dumidistansya lang siya to lessen the pain.

Oo na, ako na tanga. Wala eh, tinamaan ako eh.

Lumapit ako kay Kenneth, at tsaka inalok siya na sumayaw. Gusto ko lang gawin kung ano yung gusto ng puso ko. Akala ko nga tatanggi siya pero sabi niya "Sige! Para namang may nakakahawa kang sakit. Tara!" sabi niya at tsaka ako cool na hinawakan sa kamay papunta sa gitna.

Hindi ko maiwasan yung ngiti ko that time. Pero kapag naaalala ko na aalis na kami di ko maiwasang malungkot. Tumingin ako sa gawi ng bestfriend ko at nakita na nakikipag-sayaw din pala siya. Haha! Sabi na bibigay din yun eh. Tinitigan ko lang yung mga mata ni Kenneth ng biglang mamatay yung ilaw. Hindi ko alam sa sarili ko kasi bigla bigla ko nalang siyang hinalikan sa labi. Sa kanya ko binigay yung first kiss ko. Pagbukas ng ilaw parehong malaki yung mga mata namin sa gulat pero walang bumitaw sa aming dalawa.

Ang tanga ko kasi pagkatapos nun tumakbo ako. Tumakbo ako ng parang tanga paalis sa lugar na yun at paalis sa kanya. Narinig ko pa na tinatawag niya yung pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Ayaw ko. Baka kasi tumakbo ako pabalik sa kanya.

Lumipas na ang mga taon. Kasama ko parin yung bestfriend ko. Yung bestfriend ko nakatapos na ng college samantalang ako stuck in college forever. Sabi nga ng bestfriend ko buti pa daw ako nag-aaral parin. Mahilig kasi siya mag-aral. Nag-aaral ako ng nursing, at minsan nag-iikot kami sa ospital ng university para mag-ikot sa mga pasyente. Nasa emergency room kami ng biglang mabanggit ang pangalan ni Kenneth. Hindi ko alam pero feeling ko siya yun. KAhit imposible umasa ako na si Kenneth yun. Hindi ko nga din alam sa akin, ang tagal na nung huli ko siyang nakita pero siya parin yung gusto ko. Siya parin yung mahal ko. Unti-unti kong tinanggal yung curtain at nakumpirma ko. Siya nga talaga yun. Si Kenneth.

The "no us" story (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon