DATING TAYO

1K 2 0
                                    

Nang minsang tinitigan ko ang litrato niyong dalawa, napaisip ako.
Mas maganda pala talaga kayong tignan kesa sa TAYO.
Ang mga ngiti niyo'y nagtutugma.
At ang mga mata niyo ay nagbibigay kahulugan ng saya.
Alam mo bang, minsan ko itong ikinumpara sa litrato nating dalawa.
Naramdaman kong, iba ang ngiti mo dito, dahil hindi siya ang kasama mo.
At Ibang iba ka na talaga sa nakilala ko.
Ibang iba na sa kung saang nasanay ako.
Na minsan kapag kasama kita, hindi ko ramdam ang presensya mo.
Bakit? Kasi kahit ako ang kasama mo, siya ang iniisip mo.
Minsan nga tinawag mo pa ako sa pangalan niya.
Simple kung iisipin diba? Pero masakit. Masakit kasi paulit ulit.
Paulit ulit mo akong nasasaktan.
Paulit ulit mo akong binabalewala.
Paulit ulit mo akong ginigising sa katotohanang, ang kasiyahan na naidudulot niya sa'yo hinding hindi ko mahihigitan..... kahit kailan.
Kasi ibang iba ka na sa nakilala ko.
Ibang iba na sa dating tayo.

Naaalala ko pa yung mga sinabi mo sa akin na hindi ka masaya kapag wala ako.
Hindi kumpleto ang araw mo kapag wala ako.
Yung sinabi mong nandito ka lang palagi sa tabi ko?

Pero asan ka na?
Hinahanap kita matagal na.
Hinahanap ko yung mga mata mong sa akin lang nakatitig dati.
Yung ngiti mo na sinasabi mong ako ang dahilan palagi.
Yung mga kamay mong dumadaplis sa aking pisngi.
Pero asan ka na?
Tulungan mo naman akong piringan ang aking mga mata.
Tulungan mo naman akong takpan ang aking tenga.
Tulungan mo naman akong bumitaw sayo.
Upang kapag nagawa ko na, titigil na ako sa pag asa sa'yo.
Pagasa na maging ako ulit ang dahilan ng pag ngiti mo.
Pagasa na baka sakaling mabalik pa ang dating tayo.
Pagasa na muli kang kumapit sa kamay ko.
Pagasa na kapag muli akong tumitig sa ating litrato, maisip ko na
Mas maganda itong tignan kaysa sa litrato niyo.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon