Chapter 16

1.4K 47 0
                                    

LANCE

"Absent si Xian?" Tanong ko pagkakita ko kay Scott

"Oo"

"Bakit?"

"As usual business matter ulit"

Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang ginagawa niya

May hawak kasi itong papel at mukhang nag d-drawing na naman.

Scott is very good in arts, kaya nitong mag drawing at mag paint.

"Sino yan?" Tanong ko at pinakatitigan ang babaeng nasa papel na iginuguhit nito

"Wala to"

"Sino nga"

"Model yan, di mo kilala?"

"Model?" Naningkit ang mata ko at pinakatitigan ang drawin

"Gigi Hadid yan gago!"

Tang ina naman! Hindi ko lang kilala tinawag na kong gago

"Prince Lance, Prince Scott!"
Pareho kaming napalingon ng may tumawag samin

Ang Campus Queen kasama ang dalawang Campus Princess

"Where is Xian?" Tanong ni Briana

"Absent" sabi ko

Briana is a very beautiful woman, kaya ewan ko kung bakit hindi pinatulan ni Xian to.

She flipped her hair and roll her eyes ng makita niyang nakatitig ako sa kanya

Oo nga pala, may pagka maldita tong si Briana. No wonder na maraming takot lumapit dito.

Pagka-alis nila ay siniko ko tong si Scott

"Scott, bat dimo na lang ligawan si Briana?"

"Briana? Yung nanay ni Freddie Tomlinson?"

"F*ck! Si Briana na Campus Queen! Anong pinagsasabi mong nanay ni Freddie Tomlinson?"

"Dimo kilala si Freddie?"

"Ha?"

"Anak yun ni Louis"

"Sinong Louis?"

"Louis Tomlinson, member ng One Direction"

Si Yrrah na kararating lang ang sumagot sa tanong ko

"Kilala mo din yun?"

"Oo, actually birthday niya ngayon"

Tapos ay nag-usap pa sila about One Direction na hindi ko naman kilala. Sikat ba yun? Gwapo ba?

(A/n: sensiya  nasingit ko dito bigla ang One Direction, birthday kasi ngayon ni Louis ko ;) Lol )

***

YRRAH

Ngayon na ang laban ng LEU basketball team laban sa St. Terese Academy basketball team.

At tulad nga ng inaasahan ay hindi nga makakasama si Xian sa laban ng LEU.

Mag-isa lang akong pumunta sa Gym dahil kanina pa nandun ang limang Campus Prince.

Wala akong balak na manood. Pero sa kakapilit ni Kyle ay heto ako ngayon

Nasa labas pa lang ako ay dinig ko na agad ang malakas na tilian ng mga babae kahit na hindi pa nag-uumpisa ang laban.

Pagkapasok ko ay kaagad akong naupo sa may pinaka dulong upuan para di ako mapansin ng iba.

Kita kong umikot ang tingin ni Adrian sa loob ng gym, at ng madako ang tingin niya sakin ay nag quiet sign ako para hindi ako mapansin ng mga nasa bandang harapan. Tumango naman siya.

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon