Chapter 1

3.6K 89 7
                                    

A/N: Anne Curtis as Ella Mae 👆

. . .

(Ella)

"Baka naman gusto mo bumangon dyan Tita Ella" yugyog saken ng pamangkin ko. Si CJ. Malaki na sya, kasabay ng paglaki nya ang pag kawala ng pag-ibig ko. 14 years old na pala sya. O ilan taon na ako? 25 na ako.

"Lumayas ka dito sa loob ng kwarto ko kung ayaw mo masipa dyan!" Sigaw ko sa kanya

Pinanlakhan nya lang ako ng butas ng ilong sabay labas. Bwiset! Ito namang cellphone ko ring ng ring. Hindi makapag hintay sagutin.

"ANO BA?! KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG SAYO PAYONG! BAKIT HINDI MO SINASAGOT!" sigaw sa kabilang linya. Dapat pala hindi ko na lang sinagot. Mabahong hininga lang din ang masasagap ko.

"HOY ANO?!" Sigaw nya. Bingi ba ako para sigawan nya?!

"Bakit?" Tinatamad kong sagot.

"ANONG BAKIT?! PAG AKO NAKASUGOD DYAN PAYONG! PAPALIPARIN KITA! TUMAYO KA NA DYAN!" Sigaw na naman ng nasa kabilang linya.

"Ayoko"

Takot ko sa kanya. Kala nya ah, di na nya ako matatakot.

"PASALAMAT KA TALAGA, NASA BUSINESS TRIP AKO. KUNG HINDI! NASAMPAL NA KITA SA TALAMPAKAN MO!" Sigaw nya.

Hay naku, ewan ko sayo Panini. Ayoko sabing bumangon dito.

"Mag hintay ka talaga! Pababalikin ko tong eroplano! Pag hindi ka pa bumangon dyan. Kala mo di ko alam kung saan ka dyan sa New York! Hindi mo ko matataguan!" Banta nya.

Ayoko naman na bumalik sya at sampalin nya ako sa talampakan. Alam ko gagawin yon ni Panini. Hello! Ang mahal ng pamasahe mula sa Pinas hanggang dito sa New York. Ilang jeep ang sasakyan mo? Sampu! Makarating ka lang dito. Char!

"Cj?"

Yan na nga naririnig ko na ang boses nya sa cellphone ng pamangkin ko.

"Ano po yon Ate Panini?" Sweet na sagot ng pamangkin ko.

Buti pa si CJ ang tawag kay Panini ay Ate, saken Tita. Ang tanda pag pinapangkinggan.

"Ah eh. Hindi pa rin po bumabangon" sagot ng pamangkin ko sa kausap nya sa phone.

"Anak ng-HOY! BUMANGON NA AKO!" sigaw ko kay Cj. Gusto nya talaga pumunta dito si Panini para makita nya kung paano ako masaktan.

"Nakabangon na pala." Nakakainsultong sabi ni CJ

"Sipain ka man ng sampung kabayo dyan sa kinatatayuan mo?" Banta ni Panini sa pamangkin ko.

"Hoy Panini wag mo dinadamay ang pamangkin ko sa kasadistahan mo. Ito na ako nakabangon na ako" sagot ko talagang tinapat ko sa mouthpiece ng phone ni CJ ang bunganga ko.

"Very good payong."

Peksman, nakakainsulto ang ngiti dyan ni Panini.

"O sya, I have to go. Bye!"

Naligo na lang ako tapos nag bihis. Aalis na lang ako dito sa bahay.

"Oh? Saan ang punta mo?" Tanong ni Mama saken.

"Sa opisina po" matipid kong sagot. Katulad kasi ni Panini nag ma-manage na din ako ng Company ni Daddy. COO ako. Katulad din ni Panini, pumasok ulit kami ng college. Mabuti naman at na credit ang iba naming subjects kaya parang nag continue to 3rd year kami. Nakapasa kaming dalawa ni Panini. Sabi kasi ni Daddy mag mature na ako. Hello! Matured na ako.

"Mag-iingat ka" sabi ni Mommy. Tumango lang ako at lumabas ng bahay. Ang lamig lamig naman dito sa NewYork, kaya ayoko lumabas eh.

Masaya naman ako kasi sa E.Magazine namin, nabibigay ko ang atensyon ko kahit na i-space out ako dahil naiisip ko minsan si -nevermind.

Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon