Hindi naman lahat ng sumusuko, MAHINA at TALUNAN. May mga bagay at tao lang talaga na dapat SUKUAN para hindi kana masaktan
***
Sky: "Cain!" nakangiting tawag ko habang papalapit ako sa bench kung saan siya nakaupo.Nasa field ako ngayon kasi break nanamin. Papunta na sana akong Canteen ng makita ko si Cain kaya naman tinawag ko na siya.
Papalapit palang ako ay alam ko nang hindi siya sa akin nakatingin. Tinawag ko na nga hindi man lamang niya ako matapunan ng tingin.
"Yo!" sabi ko at hinampas siya sa balikat at umupo sa tabi niya.
Tumingin siya sa akin at tinanguhan lang ako at bumalik ulit sa tinitingnan niya.
"Sino ba yang tinitingnan mo?" kunwaring tanong ko.
Hindi 'ano' ang tanong ko kasi alam ko namang 'sino' ang dapat na tanong.
Hindi niya ako sinagot at hindi niya rin ako tiningnan, nanatiling nakatingin siya sa babaeng laging umaagaw sa atensiyon niya.
Tiningnan ko naman yung babae at nakita kong nagtatawanan sila nung kaibigan niya. Siya si Yumi, ang babaeng mahal ng taong gusto ko. Alam niyo bang alam ko lahat ng tungkol sakanya? Tulad ng ang gusto niyang kulay ay Blue, allergic rin siya sa hipon, may aso siyang pangalan ay puppy, may scene siya sa lab na sumabog yung experiment niya.
Kayang-kaya ko na nga gawan ng Biography yung buhay niya. Bakit? Kasalanan ko bang tuwing mag uusap kami ni Cain ay nasisingit niya si Yumi sa usapan? Kasalanan ko bang dumadaldal lang siya tuwing tungkul kay Yumi ang usapan?
Ang katabi ko ngayon ay si Cain Reyes. Ang bestfriend ko at ang taong gusto ko. Tahimik pero pag si Yumi ang usapan ay dumadaldal. Ang lagi niyang bored na mata ay kumikinang pag nakikita niya si Yumi. Ang cool effect niya ay nawawala tuwing malapit na si Yumi. At wait... Nasabi ko nabang si Yumi ang taong mahal niya at sakanya lang umiikot ang mundo niya? Kung hindi pa, ayan nasabi ko na.
Masakit para sa akin na tuwing nag uusap kami ay laging nakay Yumi ang paningin niya, ang utak niya at ang puso niya. Pero anong magagawa ko? Wala... Wala kundi maging masaya para sakanya dahil nahanap niya na ang taong magpapasaya sakanya. At obviously. Hindi ako yun.
"Oy!" tawag niya at pinitik pa yung noo ko.
Kumunot naman yung noo ko "Bakit?" tanong ko.
"Tara na sa Canteen"
"Okie"
Tumayo na ako at naglakad na kaming papuntang Canteen. Pero bago pa man kami makalayo ay nakita ko munang binigyan ni Cain si Yumi ng isang huling tingin at sumabay na sa akin maglakad.
"Kung ako nalang kasi ang tinitingnan mo" sabi ko at sapat na para marinig niya.
"Ha?" tanong niya
At nasabi ko narin bang MANHID siya? oh ayan. Nasabi ko na/
"Wala"
**
"Gusto mo ba siya?" tanong sa akin ni Yumi.Oo ni Yumi. Si Yumi, yung babaeng gusto ni Cain. Yung babaeng nagpapasaya kay Cain at Yung babaeng bumihag sa puso ni Cain
Magkaibigan kami.
Hindi pala... BESTFRIEND din kami.
Saklap noh?
"Halata mo na ba?" sarkastikong tanong ko sakanya. Andito kami ngayon sa isang Ice Cream Parlor kasi niyaya niya ako para kausapin.
Simula nang malaman kong may gusto sakanya si Cain ay medyo umiwas na din ako. Ang awkward kasi pero hindi ko maalis na namimiss ko rin siya. Pero hindi ko rin maalis na tuwing kaharap ko siya ang una kong naiisip ay 'siya pala'. Siya pala yung babaeng mahal ni Cain.
YOU ARE READING
I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND (Oneshot)
Teen Fictionall about my bestfriend. May mag kaibigan si girl hindi alamnahuhulog napala yung loob kay boy . Eh basta pabasa nalang po enjoy reading