Chapter 35 : Full of Love

10.2K 195 12
                                    

Minsan sa isang relasyon marami talagang susubok at hahadlang para maging matibay ang pundasyon ninyong dalawa, nariyan yong hindi kayo nag kakaintindihan, nariyan yong masasaktan ka na lang dahil sa mga taong nakapaligid sa inyo.

Pero ang higit na importante sa lahat ay kong gaano niyo kamahal ang isat isa kahit na sa kabila ng maraming pinag dadaanan.

Ewan ko nga kong tama ba yong ginawa namin, kong tama ba na mag tanan kami para hindi kami pag hiwalayin pero hanggang saan namin kayang panindigan ang bagay na to ??

Oo madaling gawin at sabihin pero paano kong panandalian lang to ?? Paano kong marealiaze niya na hindi pa pala siya sa handa.

Brett is different, hindi siya isang ordinaryong tao at alam ko na hindi niya kaya ang buhay na hindi niya kinasanayan.

Pero ano pa bang magagawa ko, andito na kami kong baga wala ng atrasan hanggang sa huli. Isa lang naman ang pinag dadasal ko eh ang makayanan naming dalawa ang lahat ng bagay na darating sa min.

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar.

Ginala ko ang aking paningin sa buong paligid, ang laki na ng pinag bago ng lugar pero gaya ng dati tahimik at mapayapa pa rin. Ito ang probinsya ng Tita ko pansamantala dito muna kami titira ni Brett.

Lumingon ako sa kabilang bintana ng sasakyan, diba nga kagabi nasa biyahe kami, ni hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami. Nakita ko si Brett na may kausap na babae kaya naman pinakinggan ko lang sila.

"Sir Brett dala na po namin yong mga gamit na pinakuha mo sa bahay mo " Sabi nong babae

"Thank you so much Tricia " Brett

Para akong tanga na nakamasid sa kanila.

"Walang anuman Sir, anytime po kahit na wala na po kayo sa BC ----- " pinutol niya yong sasabihin ni Tricia

"Tricia gusto ko sanang walang makaalam kong nasan kami ni Grace, gusto ko muna kasing magpakalayo layo, gusto ko sanang sa kin pa rin ang tiwala mo " Brett

Kitang kita ko sa mga mata ni Brett ang labis na lungkot, pero alam kong tama ang desisyon niya na lumayo sa totoo niyang buhay.

"Oo naman Sir, makakaasa po kayo " Tricia

"Gusto ko sana na kahit wala na ako sa BC, gusto ko mabigyan mo pa rin ako ng updates tungkol sa company, alam mo naman for how many years " Brett

Hanggang ngayon company parin ang iniisip ni Brett, ganon niya ka mahal ang BC, kahit naman siguro sino lalo na kong naging malaking bahagi na ng buhay mo ang bagay na yon. Wala kang pipiliin kong hindi yon, at isa ako sa mga pinili ni Brett. Pinili niya dahil mahal niya ko.

Pinagmasdan ko ng maigi si Brett. Hindi ko alam na aabot pala kami sa ganito.

Pag naaalala ko yung mga araw na nakakainis siya at the same time kinikilig ako hindi ko maiwasan ang mapangiti na lang. At sino ba naman ang makakalimot sa first encounter namin ni Brett ??

Kung gaano siya kamukhang monster at parang kakainin ako ng buhay.

At higit sa lahat yung pagiging magaling niyang script writer sa kung anong dapat kong gawin, lakas nga niyang makadirector nung mga panahon na yun.

At ang nagpakilig sa akin ng bonggang bongga ay yung nagtapat siya ng feelings. Juice colored.

Hays.

Sa dami ng mga nangyare sa buhay namin hindi ko alam kong hanggang saan namin papasanin ang lahat ng 'to.

Sana maging matatag kami ni Brett.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon