Chapter 41 : Fight for Love

6.8K 125 5
                                    

Sa isang relasyon dapat pareho kayong open sa isat-isa para mas lalo pang tumibay ang pagsasama at pundasyon ninyo dahil kung wala kayong open communication, masasabi kong boring.

Dahil ang love ay hindi basta basta salita lang dapat kaya mong panindigan hanggang sa huli.

Sabi nga nila mahirap daw i-define kong ano ba talaga ang Love. Sabi nila masasabi mo na love, kapag alam mong siya ang tinitibok ng puso mo. Masasabi mong kulang ang mga araw pag hindi mo siya nakikita at nakakasama.

Love is full of happiness, mga bagay na sa kanya mo lang nararamdaman. Yung bang nagiging espesyal ka dahil sa kanya. Yung bang pakiramdam mo ikaw na ang pinakamagandang nilalang na ayaw niyang mawala.

Hays.

Masyado naman ata akong hugutera ngayon.

Pag-ibig nga naman oh. Kahit malabo gagawin at gagawin mo pa din. Kakaluka.

Napatigil ako sa pagbabasa ng diyaryo. Wag ng kumuntra talagang nagbabasa ako tungkol sa mga nangyayare sa mundo baka isipin niyo na porket kasama ko si Brett wala na kong pakialam sa iba.

Updated pa rin ang Lola niya.

Ang bilis talaga ng araw, akalain mo yun mag-iisang buwan na pala kami sa lugar na 'to.

At sa mga araw na yun, maraming bagay ang nangyare sa amin. Mga bagay na siyang dahilan upang maging matatag pa kami lalo ni Brett.

Sana lang talaga maging maayos na ang lahat.

Madami na nga ang nangyare sa aming dalawa lalong lalo na kay Brett. Akala ko kasi isusuko niya ako but I was wrong kasi mas pinanindigan niya kung ano ang nararamdaman niya para sa akin.

Maswerte nga siguro ako.

Mas lalo ko pang napatunayan sa sarili ko na sobrang mahal ako ni Brett.

Ang laki ng isinuko niya para sa akin kapalit ang buhay na meron kami na hindi niya kinasanayan.

Sa loob ng maikling panahon marami akong natutunan at mas lalo pa akong huminga kay Brett.

Ibinaba niya ang sarili niya para sa akin dahil mahal niya ako. Ang laki ng isinakripisyo ni Brett sa akin.

Sa mga ups and down lagi siyang nandyan para damayan ako. Sa lungkot at saya lagi kaming nagdadamayan.

Ginawa ni Brett lahat ng makakaya niya kahit wala na siyang sources pagdating sa pera dahil nga diba nakahold yung mga accounts niya pero higit sa lahat lalo akong bumilib sa kanya dahil ang maraming nagbago sa kanya.

Una na dito, hindi na siya masungit. Nagagawa na niyang magbiro at patawanin ako. Feeling ko nga sa akin lang umiikot ang mundo niya.

At huli, natuto na siya gawaing bukid, kung paano magbungkal ng putik, mag-araro. Lahat yun ginawa niya para sa akin.

Kahit isang beses wala akong ginawa para sa kanya. Siguro ang masasabi kong nagawa ko sa kanya at nung minahal ko siya ng higit pa sa buhay ko.

Kahit na sa simpleng paraan nakikita ko sa mga mata niya kong gaano siya kasaya at yun ang isang bagay na ayukong mawala sa amin.

Gusto ko masaya lang kami araw-araw. Yung bang wala ng iniisip na iba.

Kung pwede nga lang.

Napapadrama na naman ako ng wala sa oras.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at nakita ko ang oras 11:30 AM. Agad akong bumangon sa pagkakahiga saka nilapag sa papag yung binabasa ko kanina.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon