Chapter 49 : Danger

6.4K 94 1
                                    


Minsan sa buhay nakakagawa tayo ng mga maling desisyon na akala natin ay tama. Akala natin lahat ng ginagawa natin sa paningin nila ay mali. Kung baga hindi nila naaapreciate ang lahat ng effort na ginagawa natin.

Kaya akala natin wala tayong silbi sa paningin nila.

Ang gulo diba ??

Pero isa lang ang masasabi ko na dapat laging iisipin kung ano ang makakabuti sa lahat at hindi para sayo.

Salamat kay Brett dahil lagi siyang nasa tabi ko.

Hindi pa rin mawala sa aking gunita ang mga nangyare kagabi. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamagandang nilalang nung mga sandaling yun.

Pakiramdam ko, sa akin lahat umiikot ang sandaling yun kaya hanggang sa pagtulog ko nakaguhit ang mga ngiti sa aking labi.

Bigla akong naalimpungatan kaya nagising ako. Kinapa-kapa ko pa yung higaan ko kung nasa tabi ko si Brett pero wala akong makapa kaya iminulat ko ang aking mga mata.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at iginala ang aking paningin sa buong silid pero hindi ko nakita si Brett.

Tumayo ako at nag-umpisang naglakad na parang ewan palabas ng kwarto.

"Nasan kaya yun ?? " tanong ko sa aking sarili.

Napahinto ako sa labas ng kwarto ko at tumingin sa orasan na nakasabit sa labas ng pinto ng kwarto ko.

2 am.

Madaling araw na pala kaya nagtataka ako kung nasaan si Brett. San naman kaya pupunta yun ??

Para akong zombie na naglalakad sa kawalan marahil sa sobrang inaantok pa ako.

Napahinto naman ako ng makita ko siyang nakaupo sa may sofa habang hawak hawak yung mga papel na hindi ko alam kung bakit.

Gusto ko sanang magsalita pero walang boses na lumalabas sa aking bibig kaya minabuti ko na lang na pagmasdan siya.

Dis oras na ng gabi pero abala pa rin siya sa pagrereview ng mga documents ng BC.

Papano nagagawa ni Brett na ipakita sa akin na okay lang siya ?? Na okay lang ang lahat ??

Alam ko mas may mga bagay na dapat niyang unahin sa ngayon pero naisingit niya pa yung nangyareng date sa amin.

Huminga ako ng malalim bago maglakad papalapit sa kanya.

"Brett ?? " tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at tiningnan niya ako ng tinging 'anong-ginagawa-mo-dito' looks.

"Bat gising ka pa ?? Anong oras na ah. " dagdag ko pa.

Saglit niyang itinigil ang kanyang ginagawa saka saglit na tiningnan ako pero agad niya ding binalik ang tingin sa ginagawa niya.

"Tatapusin ko lang 'to. " maiksi niyang sabi saka muling itinuon ang kanyang atensyon sa ginagawa niya.

"Baka naman kung mapano ka niyan. Buong araw ka ng pagod at abala. Time naman siguro para magpahinga ka. May bukas pa naman Brett. " pangungulit ko.

Alam ko, kung gaano kaimportante ang ginagawa niya. Ayuko lang talaga na napapabayaan niya ang kanyang sarili.

"Okay lang ako. " sabay ngiti niya ng pilit.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon