Chapter 53 : Warrant of Arrest

7.5K 120 11
                                    

Sa buhay hindi lang puro kilig ang mai-encounter natin. Gaya ng saya at lungkot, kabiguan, pighati at tagumpay.

Hindi tayo pare-pareho ng kapalaran.

Nasa atin na lang kong paano natin pagtatagumpayan ang mga pagsubok na dumarating sa buhay natin. Maging mabuti man o hindi.

Sabi nila, lahat daw ng ginagawa natin may kalakip na kasalanan.

Tama naman diba ??

Sabi nga nila walang taong perpekto. Lahat tayo nakakagawa ng masama. Kahit nga yung akala mo kong sinong mabait nakakagawa din ng masama. Pero ang mas higit na masama ay yung mga taong sukdulan hanggang kaluluwa ang kasalanan.

Bakit kaya may mga taong ganon ??

Gaya na lang nila Bryle at Ma'am Brenda!

Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila kay Tricia.

Alam kong tunay na mananaig pa rin ang hustisya para sa kanya.

Hays.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaupo sa may sofa. Nasa sala kasi ako ngayon at kasalukuyang nagmumuni-muni ng mga nangyare.

Hindi ko na nga nagalaw ang kape na nasa harapan ko dahil abala pa ang utak ko sa kakaisip ng kong ano.

Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nangyare ang bagay na yun kay Tricia.

"Naway gabayan mo kami Tricia sa mga nangyayare ngayon. "

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nun ang napakagwapong nilalang na nagmula sa mundo ng mga alien.

Si Brett.

Pinagmasdan ko ang buong kabuuan niya. Sobrang bihis na bihis siya na para bang may pupuntahang okasyon o kong ano naman dahil sa suot niya.

"Aalis ka ?? " naguguluhang tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot.

"San ka naman pupunta ?? " dagdag ko pang tanong saka ko ibinaling ang tingin ko sa hawak niyang attached case.

"Sa police station. Ngayon gagawin ang arrest warrant kay Bryle at kay Tita Brenda. " seryusong sabi niya habang nakatingin sa akin ng malalim.

Bigla naman akong kinabahan. Kaba na hindi ko alam kong bakit.

"P-pwede ba akong sumama ?? " naiilang kong sabi.

Gusto kong sumama sa kanya dahil baka kong may mangyareng hindi maganda sa lakad niya.

"Grace delikado ang lakad na 'to baka kong mapano ka pa. "

"Brett, please ?? " pagpoprotesta ko.

Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ako sa may balikat.

"Grace, ayukong pati ikaw madamay dito. Kaya ko naman eh. Wag kang mag-alala kasama ko naman ang mga police at saka si Attorney. " tugon pa niya na may halong pag-aalala sa boses niya.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon