Chapter 54 : The Devil's Game

7K 102 9
                                    

••• Brett's POV •••

Matapos ang pangyayareng iyon ay agad akong tumuloy sa presinto.

Hindi ko maipaliwanag kong anong gagawin ko at kung anong nararamdaman ko.

Gusto kong magalit o di kaya pumatay na lang dahil sa inis, galit na hindi ko maipaliwanag.

Ayukong may mangyareng hindi maganda kay Grace.

Halos hindi ako mapakali sa kinalalagyan ko. Tatayo, lalakad ng pabalik-balik.

Ayukong mag-antay na lang sa mga susunod na mangyayare.

"Sir, ano ng gagawin natin !? Kailangan natin silang makita! B-baka kong anong gawin ni Bryle sa kanila. Please !? " sunod sunod kong tanong na hindi mapakali.

"Mr. Calvien huminahon kayo----- "

"What!? " napasabunot ako sa aking buhok out of frustration. "Huminahon!? Sinong matinong nilalang ang hihinahon sa ganitong sitwasyon. Nasa panganib ang buhay ng babaeng mahal ko at ang mother ko! Anong klaseng---- SHIT!!! "

Sa sobrang inis ko nasipa ko na lang ang pader dahil sa sari-saring emosyon na bumabalot sa akin ngayon.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili.

Gusto kong manakit ng mga oras na 'to.

"Wag kayong mag-alala ginagawa na namin ang lahat. Hindi kami titigil hanggat hindi sila nahahanap. " sabi pa ni hepe.

Tiningnan ko lang siya ng masama na parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Galit at inis na inis ako sa aking sarili.

Kasalanan ko 'to.

Hindi hindi ko man lang siya nailigtas kanina. Para akong nastatwa ng mga oras na yun. Sobrang takot na takot ako habang nakatutok sa ulo ni Grace ang hawak na baril ni Bryle.

Alam kong kayang gawin ni Bryle ang sinasabi niya.

Gusto ko siyang iligtas pero wala akong nagawa. Para bang nabahag ang aking buntot dahil sa takot na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili sa oras na may nangyareng masama kay Grace.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang aking puso.

Ano ng gagawin ko !?

Nanatili lang ako sa loob ng presinto. Naghihintay ng update sa susunod na hakbang na gagawin namin.

Sinamahan ako ni Attorney sa isang lugar na hindi mo gugustuhin.

Ang rehas ng bakal kong saan nakapiit si Tita Brenda.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon