Chapter 33 : Last Part

4.5K 62 1
                                    

Malayo na nga ang narating ng aming pag-iibigan ni White. Walang araw na hindi niya sa akin pinaparamdam yung pagmamahal niya sa akin at kong gaano ako kaswerte sa kanya. Mas lalo ko pa siyang nakilala at lumalim pa ang tingin namin sa isat-isa. His my happiness at hindi ko na nga kaya kong mawalay pa siya sa akin. Gaya ng ibang story lahat natatapos. Lahat may umpisa at panibagong kabanata sa buhay natin. White and I, finally find the meaning of true love.

Isang buwan ang lumipas. Yes, ganon kabilis ang mga araw. Hindi ko nga alam dahil sa sobrang bilis ng araw, mag isang buwan na kami bilang mag-on. Ang bilis diba ?? Ganon daw talaga, pag lagi mong kasama yung taong mahal mo ang siya namang bilis ng araw. Ang daya diba ?? Tapos pag hindi mo naman siya kasama dun naman ang bagal bagal ng oras. Kainis diba ?? Pero ang importante ay kong gaano namin kamahal ang isat-isa.

Nagpasama ako kay Jasmin na samahan akong bumili ng ireregalo dahil monthsarry namin ngayon ni White. Syempre gaya ng ginagawa ng mga mag-syuta dapat may gift daw. Anyway nakuha ko lang naman yan kay Jasmin. Ayuko nga sana na mag-eeffort bumili ng gift kaso itong si Jasmin ang nagpumilit na ibili ko ng gift si White. Kaya ito kami ngayon naglalakad sa loob ng mall.

"Lorie, blooming ka lagi ah. " Biro sa akin ni Jasmin.

"Blooming ka diyan. " sagot ko naman.

"Ganon talaga ang nagagawa ng love. Kaya mong maging masigla at masaya sa lahat ng oras. Ganyan ang pag-ibig. " sabi pa niya na akala mo naman kong sinong love expert.

"Kaw talaga umiiral na naman yang pagkaOA mo. " sabi ko na lang.

"OA ka diyan. Halata kaya sayo. " natatawang sabi niya tapos sabay pasok namin sa loob ng jewelry station. Tapos nagtanong tanong si Jasmin kong ano ang pinakamaganda na design at mabenta sa shop nila. Relo kasi ang naisipan ni Jasmin na iregalo ko kay White. Ang saya diba ?? Dapat ako yung nag-iisip ng kong ano ang dapat na iregalo ko ?? Hehe.

"Ito maganda 'to. " sabay pakita niya sa akin nung watch na kulay gold. Hinawakan ko naman at tiningnan tingnan. Okay lang maganda naman siya.

"Magkano ?? " pagtatanong ko baka kasi kulang sa budget.

"25 thousand. " nagulat ako dun ha.

"Wala bang mas mura dito ?? " sabi ko tapos tiningnan naman ako ni Jasmin ng nakakaasar.

"Walang tig-50 dito ... And beside mas okay na yung gato para ma-aapreaciate. Ano ka ba ?? " ano pa nga ba ang nagagawa ko kaya sa huli kinuha ko na. Wala naman akong choice eh. Hays.

You're not My TYPE ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon