12/19/16
Chapter 14 The Schedule
Nang mga susumunod na araw ay muling natutuhan ni Maxine na lagyan ng ngiti ang kanyang mga labi.
Lalong gumanda ang pakikitungo niya sa mga pasyente at mga kasamahan sa hospital.
Nagkaroon din siya ng contant driver dahil sa pangungukit ni Lucas na araw-araw siyang ihahatid sa bahay.
Naging contant gimmicks nilang magkakaibigan.
Isang gabi ay nasiraan siya ng sasakyan. Mabuti nalang at naitabi pa niya ang kotse niya sa gilid ng daan.
Malayoang mga talyer o gasolinahan mula roon at hindi niya maiwan ang sasakyan niya kaya minabuti niyang humingi ng tulong kay Lucas.
"Sinabi ko na kasi sa'yo, huwag kang aalis nang hindi ako kasama," sabi nito.
Para itong boyfriend niya na nagsesermon sa kanya.
"Hindi kasi pareho ang schedule natin," pangangatwiran niya. "Ayaw naman kitang istorbohin sa hospital o kaya'y kapag nagpapahinga ka na kasi alam kong pagod ka at----"
"Hinding-hindi ako kailanman mapapagod para sa'yo," putol nito sa pagsasalita niya.
"Have I ever told you that? Paano kung may nangyari sa'yo rito?
Sa tingin mo, matatahimik ako? Magiging kampante ako?"
"Bakit ka naninigaw?" mahinang tanong niya.
Nakatayo siya sa tabi ng sasakyan at pinapanood ito sa pagkakalikot sa makina niyon.
Galit ito.
Iyon ang nababasa niya sa mukha at reaksyon nito.
Dahil ayokong may masamang mangyari sa'yo," diretsang sagot nito. "Dahil importante ka sakn."
Napangiti siya kahit na sinigawan siya nito.
Kinilig siya sa sinabi nito.
Parang binaha ng kaligayahan ang puso niya sa isiping gusto siyang ingatan at alagaan nito.
"What's funny?" Seryosong ang mukha nito nang balingan siya.
"Nothung. May naalala lang ako."
Hindi pa rin mabura-bura ang ngiti sa mga labi niya.
"Nag-aalala lang ako para sayo at naiinis ako dahil hindi mo ako hinintay, 'tapos iba ang iniisip mo?" nanliligaw na ba sa'yo? Sino? Doctor ba? pasyente?
Kung pasyente, unethical 'yon, I'm telling you.
Kung doctor, hindi puwede dahil doctor kana."
"So, hindi ka puwedeng manligaw sa akin dahil doctor ka rin?" hindi napigilang tanong niya.
Natigilan ito.
Waring napahiyang ibinalik nito ang tinginsa makina ng sasakyan.
"Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot," nakangiting pa ring sabi niya. Kiniliti niya ito sa tagipiran.
"Overacting na 'yan, ha? Ngingiti na 'yan. Uuuy, i-smile na 'yan.
Sorry na po, manong.
Hihintayin na po kita sa susunod. Promise po 'yan."
Humarap ito sa kanya. Nakangiti na uli ito. "Pinag-aalala mo ako kaya I deserve this." Ninakawan siya nito ng halik sa pisngi.
Tumalikod siya para itago ang maluwang na ngiti sa mga labi niya.
"Have I ever told you?" pabulong na tanong ni Lucas kay Maxine habang nag-a-IV push ito sa isang unconscious patients sa loob ng hospital suite nang susumunod na araw.
BINABASA MO ANG
Hold My Hand, Cure My Heart
FanfictionHindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxine sa hospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lucas Yoon came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nit...