Chapter 11: The three of us

3.5K 106 14
                                    

CHAPTER 11 : the three of us

Para akong timang na nakatayo sa paanan ng sofa sa mga iniisip ko. My drama earlier was so epic. Sayang ang laway na nagamit ko sa pagdadrama dahil sa ibang tao pala ang napagbuntungan ko. Napakatanga ko dahil 'di ko man lang naisip na posibleng may kakambal siya pero malay ko bang may kakambal pala ang gwapung pulis na iyon?

"Henrik," pagtawag ko sa kanya. I want to tell him na wala akong alam sa nangyayari. I want to explain na hindi ko naman alam na may kakambal siya. At saka malay ko ba at nagpanggap bigla ang kakambal niya.

I tried to reach for him but Hendrix holds my hand and put it down. Matalim naman ang mga titig ni Henrik sa aming dalawa na tila ba mali 'yong ginawa namin ng kakambal niya.

"Henrik, I-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil tinaas niya ang isang kamay niya sa ere. Para pang sinasabi sa akin na tumigil nga ako.

"Don't talk to me." His words shut me up. Iniwan niya ako kasama ang kakambal niya na pangiti-ngiti lang sa tabi ko. How could he smile like that after what happened?

I arched my brows to Hendrix. "This is all your fault, asshole!" mariin kong bintang sa kanya. He just only smiles like an idiot in front of me. Napairap na lang ako.

Gustong gusto kong sapakin si Hendrix sa ginawa niya pero hindi ko na lang ginawa. Dahil na rin siguro ito sa pagod ko ngayong araw kaya hindi ko na kayang mag-aksaya pa ng oras para lang makipagtalo sa kanya. Marahil isa sa dahilan ko kaya hindi ko magawang magalit sa kanya nang husto ay dahil kahit paano ay napasaya niya naman ako kanina kahit na nagpapanggap lang siya. Bumuntong-hininga na lamang ako at sinuyod ng tingin si Hendrix.

They really are twins. They are very identical maliban na lang sa pagkakaroon niya ng boloy sa kanang pisngi niya. I find him so handsome but it seems that my eyes were already fixed with Henrik. Na kahit sinong gwapo paman ang itapat sakanya siya pa rin ang mangingibabaw sa paningin ko.

'Magtigil ka nga, Jenan!' I scolded myself.

"I'm really sorry for the mess I made, Jenan. Don't worry I'll fix this," Hendrix said before following his twin who slammed the door roughly.

Again, I exhale noisily. That 'Wala akong pakialam kung may ginawa kayo o wala' of Henrik, made me think that he's jealous or something, and thinking that he really is jealous amuses me. Napangiti ako. Tumatalab na ata ang chrms ko sa pulis na iyon. Hmm...

Iba ang sinasabi ng bibig niya sa kinikilos niya.Pakiramdam ko may pagtingin na nga talaga siya sa akin. Ano ba talaga ang totoo Henrik? Do you have feelings for me that is why you're acting that way? Umiling ako. Ay parang tanga lang Jenan? Bakit naman siya magkakaroon ng feelings sa'yo? Malaki ba dibdib mo? Matambok ba pwet mo? Marunong ka bang magluto? Hindi naman, hindi ba? Kaya itigil mo na ang kahibangan mong iyan.

"Aish! Ano ba itong pinag-iisip ko!" Sabay gulo ko sa buhok ko.

Pero galit siya nang malaman niyang lumabas kami ng kakambal niya. So–

Napabaling na lang ako bigla sa may pintuan ng kwarto namin nang bigla akong nakarinig ng isang pagtatalo. Lumapit ako sa pintuan para marinig ang pinag-uusapan nila. Pero nagulat ako nang may biglang kumalabog.

Kumalabog din ang puso ko. What the fuck is that? Nag-aaway ba sila?

"Why don't you give me a chance to have her kung ayaw mo naman sa kanya?!" Iyan ang eksaktong narinig ko galing sa loob. Hindi ko alam kung kanino galing ang boses na iyon kaya nakakalito.

"Get lost!" parang kulog ang boses ng isang lalake. Now I'm sure kung kanino 'yon galing. Kay Henrik ang boses na iyon.

Hindi ko na marinig nang maayos ang pinag-uusapan nila dahil pahina nang pahina ang mga boses nila na tila ba seryoso ang kanilang pinag-uusapan kaya mas idinikit ko pa ang mga tainga ko sa may pintuan nang bigla itong bumukas at nawalan ako ng balanse buti na lang at nakahawak ako sa saradula kaya 'di na ako natumba.

✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon