Chapter 34: Trapped
Isang sign ang nakita ko sa tabi ng daan. Private property of the clan of Arden. 55 hectares ahead. The property was situated within a small town. Nakahiwalay ito at sinasakupan ang halos one third ng bayan na kinabibilangan nito. The fact that it has its boundary and landmark was something that bothered me. Tila may sarili itong komonidad.
Like Van Zanth, the place was surrounded by trees. But there was no familiarity. Wala akong maramdaman na koneksyon sa lugar na ito. I was used to Van Zanth's atmosphere of safety, of home. Sa lugar na ito walang alpha o mga orders. Sa bayan na ito halimaw ang turing sa mga hybrids. The normality of this place suffocates me.
I was once like them, surrounded by my own kind, oblivious to the fact that humans, we are not special. We assumed that this world is only for us, created for us. But if you step out of the swarm of mortals, you would see that there are creatures more special than us. And we treat them as monsters because we could not accept the fact that we used to have this world for our own.
Pumasok ang sasakyan sa loob ng kakahuyan. It was as if they made the woods as natural barricade from the property. Di kalayuan isang arko sa daan ang aking nakita. The clan of Arden.
"Ang property na ito ay nahahati sa tatlo," said Dylan. "Grandpa's mansion is the main mansion. It is located at the center of the property."
Unti unting naki-clear ang mga puno habang lumalalim kami sa kakahuyan. The surrounding was slowly being replaced by a more open area. Lumipas ang minuto at bumagal ang takbo ng aming sasakyan. Ilang mga bahay ang aking nasilayan. It was a town within a town.
"They either work at the mansions, around the property, or for the clan."
Ilan sa kanila ay nakilala ang kotseng dumadaan. Some of them stopped and stared as if greeting us. Ilan ay nagtataka nang maaninag na may kasama si Dylan sa loob ng sasakyan.
Maya maya bumungad sa amin ang isang bahay sa gitna ng mga puno at mga kabahayan. It was not a house, but a three storey mansion. Lumakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami. More people begun to take notice of us. Karamihan sa kanila nagtataka.
The road somehow led to a vast grass covered lawn. Pinaliligiran nito ang mansion na nasa aming harapan. Huminto ang sasakyan. Ilang mga tauhan na mula sa mansion ang sumalubong sa amin. Maging ang mga tao sa labas na nakita ang aming pagdating ay lumapit. May mga bata, matatanda, ina o mga ama ng tahanang parte ng property na ito.
Tuluyang namatay ang engine ng sasakyan. Hindi ko magawang gumalaw sa kinauupuan ko.
"Naghihintay na sila sa loob."
Bumaba si Dylan sa sasakyan. I unlatched the seatbelt with weak hands. Tahimik akong huminga nang malalim bago binuksan ang pintuan.
Namayani ang sandaling katahimikan pagbaba ko. Pinagmasdan ako ng mga tao. Ang ilan nakakunot ang mga noo, nagtataka kung sino ako. Hangang sa isa isang bumakas ang recognition sa kanilang mga mukha.
"Isa siyang Arden."
Hinawakan ni Dylan ang kamay ko upang hilain ako palayo sa mga taong nakapaligid sa amin. Ilan ay bumati sa kanya. He smiled good naturedly as he tried to get me out of the crowd. All these curious, watchful eyes surrounding me made me dizzy.
"Siya na ba?"
"Siya ba ang nawawalang apo?"
"Ang anak ni Lauro."
Nakarating kami sa tapat ng pintuan ng mansion. The mansion has no gate as if an administrative place open for everyone. Isang lalake ang lumapit sa amin. Yumuko ito nang humarap siya sa akin. Kilala ako ng mga tao bago pa ako tumapak sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasíaNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...