Dear Diary,
Sa totoo lang masama ang gising ko. Si muning kasi pinagkakalmot ang paa ko. Kung anuman ang dahilan niya, hindi ko alam. Puro meow lang ang sinagot niya sa akin kasi nung tinanong ko siya. Pasalamat na lang siya at mahal ko siya dahil kung hindi, siopao ang inabot niya sa akin!
Anyway, nacompensate naman yun lahat kasi... kasi... emeged! Kinikilig nanaman ako! Hahaha! Kasi alam mo, meron nanamang sticky note sa locker ko. Napaghahampas ko nga si Andrea tsaka si Steffi sa sobrang kilig ko.
Nakalagay kasi, "Malapit na ang exams. Aral ka mabuti ha?"
Sheet! Ito na 'to! Ang gandang reminder lang dahil hinahanda niya ako sa magiging future naming dalawa!
Hindi pa doon nagtatapos ang kilig ko. 'Wag kang ano.
Nagkaroon kami ng pop quiz kanina, sa kasamaang talampakan, bumagsak ako. Kasi naman! Mas inisip ko pa kung sino ang nagdikit ng sticky note doon sa locker ko hindi na tuloy ako nakinig sa turo ng teacher namin.
Naumay nga ako kasi hindi naman ako ganun karunong sa Physics pero hindi ko pinagtuunan ng pansin kasi hello! Hindi ko maintindihan kung paano ko magagamit sa course na balak kong kunin sa college ang Physics. But anyway, marami pa akong chance.
So mabalik tayo sa part 2 ng kilig ko. Sa totoo lang tinatamad ako magsulat but since history ito ng magiging pagmamahalan namin ni Gabriel, I want to put this into writing para ma-inspire ang magiging mga apo namin kung paano sisibol ang totoong pag-ibig.
Pagpasok ko kasi sa classroom, yung upuan ko hindi ko namukhaan kahit dun lang naman ang pwesto ko dahil malapit sa aircon at kila Andrea at Steffi.
Feeling ko kasi namamalik-mata ako. Merong tatlong balloons, may isang maliit na fishbowl na may halu-halong candies at isang puting envelope na mukhang may letter pa sa loob.
Ang baduy nga eh. Meron pang nakalagay na "Smile before you open" sa labas. Pero kinikilig pa din ako.
Biro ni Andrea sa akin "Wow ha, ambilis mo naman atang napatibok ang puso ni Gabriel."
Pero bago ko pa man mabuksan ang sulat, hinablot yun ni Steffi sa kamay ko at binalibaligtad ang sulat sabay sabi "Kung kay Gabriel ito galing bakit wala man lang nakalagay na pangalan?"
Hinablot ko ulit ang sulat galing sa kamay ng pakielamerang si Steffi "Ano ka ba! Siyempre kami na lang ang nakakaalam na dalawa. Ganun nya nirerespeto ang privacy ko!"
Tapos maya maya pumasok na si Gabriel sa classroom sabay tingin sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata at nginitian niya ako. Oh my shemay! Kung noon tinutulak tulak niya ako lalo na nung panahong naeechas siya, iba na ito ngayon. Ibang iba na.
Yung mga boys naghihiyawan na parang kaming dalawa ang inaasar. Hindi ko maintindihan nga eh. Kinikilig ako talaga. Kaso, kahit alam ko naman na siya na ang nagbigay nitong mga ito, ayoko tanungin kasi kailangan ko magpakipot.
Baka sabihin naman niya easy to get ako. Medyo easy lang.
"Uuuuy si Gab nagbibinata na!" panunukso nang isang classmate namin na si Kenneth.
Aba edi siya nga ang nagbigay! Si Andrea at Steffi napanganga kasi hindi sila makapaniwala na ang isang katas-taasang prinsesang tulad ko ang papatol sa isang prinseso. Prinsipe pala.
Nakakabobo pala kapag umiibig.
Bilang ganti, kinilig ang dalawa kong kaibigan at ako naman ang wagas na pinaghahampas.
Ang kataas-taasan at kagalang-galangan,
Gelay
BINABASA MO ANG
The Potassium Chronicles
Humor(Completed) Para sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng title, kunin na sana kayo ni Lord. Siyempre joke lang! Ie-explain ko ngayon ang ibig sabihin ng POTASSIUM. 'Yan ay, "Pota na, Assuming pa". Hindi pwede kasi ilagay sa cover at baka ma-ban ako...