Hindi dapat pangilagan at katakutan.
Hindi dapat kutyain at pandirian.
Hindi dapat itaboy at saktan.
Bagkus kailangan nila ay pag unawa...
Pagkalinga...
Attensyon...
At lalo't higit pagmamahal.
* * * * * * * *
"anak, lumayo ka dyan. Baka sakmalin ka nyan bigla." Isang ginang ang pilit na inilalayo ang kanyang anak mula sa isang babaeng nakaupo sa tabing kalsada.
"mama, tinitingnan ko lang po."
"ang baho baho nyan eh."
"delikado. Tara na, sabi ko naman sayo wag na wag kang bibitiw kay Mama." Sabay marahas na hatak sa braso ng kanyana anak. Bago pa man tuluyang umalis ang ginang tinapunan muna nya ng mapanuri at nandidiring tingin ang babae.
Isang ordinaryong eksena na ang mga ganitong tagpo. Tila isang sirang plaka, paulit ulit at walang kasawa sawa sa pag aalipusta. Isang walang laban ni walang masamang ginagawa sa kapwa pero masahol pa sa isang pusakal kung ituring at hatulan ng madla.
"twinkle twinkle little star
How I wonder what you are?
Up above the world so high
Like a diamond in the sky
Twinkle twinkle little star
Lalalalala lala lalala"
Madalas syang makikitang hawak hawak ang isang plastic na bote, nakabalot sa isang maduming damit at karga karga niya sa kanyang bisig na mistula isang sanggol. Lagi nyang kinakantahan ng pampatulog o kaya'y nilalaro. Chelsee, yan ang tawag nya sa bote. Marahil ito ang pangalan ng kanyang anak. Inaalagaan nya ang bote na tulad ng isang sanggol.
Sobrang higpit ng kanyang yapos sa tuwing umuulan upang maiiwas sa lamig , di bale nang mabasa siya ng ulan wag lang ang bote na plastic.
Ipinapasyal o pinaaarawan tuwing umaga at laging hihimig ng masayang kanta.
Isang napakamaarugang ina, kung tutuusin.
"wag! Parang awa mo na! wag!"
"Wala siyang kasalanan. Wag!"
"wag mo akong iwan Sebastian. Wag. Pakiusap wag mo akong iwan."
May mga panahong panay ang kanyang pagpalahaw, sumisigaw, umiiyak... isang matinding hinagpis. Sa isang iglap, magagalit ngunit patuloy ang pag iyak.
"ikaw! Ikaw! Ikaw!
Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ikaw.
Walang kasalanan si Sebastian. Ikaw ang dapat mamatay.
Ikaw ang dapat ang nagbabayad sa kasalanang iyong ginawa..
Hindi ang isang inosente.."
Nagtututuro sya sa mga taong nakatingin sa kanya. Hinang hina. Nakaluhod. Puno ng hinagpis. Isang malungkot na kaluluwa. Habang ang mga tao'y aliw na aliw sa eksanang natutunghayan, prenteng nakaupo at nagkukuyakoy pa ng paa.
Ang mga tao'y tumatawa sa sitwasyong kinasasadlakan ng kawawang babae. Pinapanood na animo'y isang sine, tumatawa sa pagdurusa ng iba. Naaliw sa isang baliw.
Binubuhusan ng tubig, binabato ng kung ano mang basura. Pinagtatawanan. Pinaglalaruan.
Mas masahol pa sa isang taong nasa tamang pagiisip, ngunit ang ugali'y syang nawaglit. Napana sa ulirat ang tamang gawi.
sa mata ng mga tao isa syang baliw.
Walang pakinabang sa bayan.
Isang salot sa lipunan.
Basura.
Sinubukan mo ba syang unawain.
Siya si Rachel, nasa edad na 33 isang empleyado sa isang sangay ng sikat na pamilihan. Noo'y naninirahan ng simpleng buhay kasama ang asawang si Sebastian,isang ahente ng lupa at ang kanilang anak na si Chelsee na limang buwan palamang.
Pauwi na sila galling sa pagsimba ng harangin siya ng apat na lalaki lulan ng dalawang motorsiklo agad na nanutok ng baril. Ang paunang reaksyon ay ang protektahan ang mag ina, yan lang ang tanging nasa isipan ni Sebastian. Hindi niya hahayaang masaktan ang kanyang ag ina.
Mga walang awang magnanakaw.
Hinayaan na ni Sebastian na kunin ang mga gamit, pera at alahas kaysa sasaktan pa ang kanyang mag ina. Walang magawa si Rachel kundi ang yakapin ang anak at umiyak. Bale wala a ng materyal na bagay kumpara sa mahal sa buhay.
Sa takot na rin ng mga magnanakaw na magsumbong sa pulisya ang mag asawa, agad na binaril si Sebastian sapol sa ulo at pahabol na pinaputukan si Rachel habang sakay na sa motorsiklo papalayo, papatakas. Ang kanilang anak ang natamaan ng mga balang laan kay Rachel na noo'y nahihimlay sa kanyang mga bisig. Tila nawala siya sa ulirat ng matunghayan panawan ng buhay ang kanyang minamahal.
Isang malagim na trahedya ang nagluklok sa kinasasadlakang sitwasyon. Ang masaksihan ang bawian ng mahal sa buhay sa iyong harapan at sa mismong bisig ang nag udyok kay Rachel na bumitaw sa katinuan. Isang masalimot na pangyayari ang dahilan ng kanyang pagkabaliw.
Hindi na nahuli at nabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamilya.
Mistulang palaboy sa kalsada, sumisilong sa kadiliman ng mga iskinita at walang makaka usap kay Rachel.
"mga walang hiya kayo pinatay niyo ang asawa ko!
Pinatay niyo ang anak ko!
Ikaw!
Ikaw!
Mga wala kayong puso!
Bakit niyo ginawa sa akin to.
Sebastian!"
Patuloy niyang pagsigaw, pagtakbo sa kalsada, hinahanap ang mga mahal na sa kanya'y nawala. Sa mahigit na sampong taong nakakaraan ay patuloy ang hinagpis at pagluluksa.
Sa gitna ng mga malahari sa kalsada, patuloy ang pagtakbo. Di iniinda ang sobrang init na araw sa kanyang walang saplot na paa.
"Sebastian! Chelsee! Isama niyo na ako!... pakiusap. Wag niyo akong iwan. haaaaaaaa"
*Piip *
*piip*
*piip*
*piip*
Sa isang iglap, ang ginang ang tumupad sa kanyang hiling kahilingan. Ang nagtakda ng sariling kapalaran sa mainit at malaharing kalsada,sa nagpapatenterong sasakyan, ang katapusan ng kanyang pagdurusa.
BINABASA MO ANG
IKAW
Short StoryHope this you hit you. realize and appreciate your life. sympathize not criticize