t e n

57 7 0
                                    

"OY BUKSAN MO YUNG PINTO AZE!!!!!" Nagulat ako nang may sumigaw sa labas ng condo unit ko kaya tiningyan ko sa may butas para makita kung sino yung tao sa labas. Si Jae lang pala ito akala ko kung sino na.

Binuksan ko yung pinto, nakita ko siya agad na nakabusangot habang nakasandal sa may pader. "Aba ang ingay mo. Alam mo namang bawal ang maingay dito."

"Ay sorry naman ang bagal mo kasing buksan kanina pa ako dito kumakatok. Ano ba kasing ginagawa mo ha?" Para siyang nanay ko ang bilis magsalita kapag naiinis na.

"Luh okay chill lang. Pumasok kana nga baka masita pa ako dito kasi may bwisita akong maingay." sabi ko sakanya. Pagkapasok niya dumeretso agad siya sa sala at umupo sa sofa. Wow feel at home lang siya dito.

Sosyal talaga siya dito sa loob ng condo ko. Amazing.

"So ano na nga yung ginagawa mo? Tingnan mo nga yang mukha mo Aze para kang losyang." sabi niya habang itinaas niya ang kanyang dalawang paa para ipatong sa lamesa.

"Nagpr-print ako ng mga pictures ni Mingyu. Anong losyang? Hindi ah." pagdeny ko.

"Ang exhausted mo kasing tingnan Aze."

"Ang dami kasi nito. Jae pwede bang ibaba mo yang paa mo kasi kapag nainis ako putulin ko yan."

"Para saan ba yan? Oo na ibababa ko na tss nakakatakot ka Aze." At dahil nga sa sinabi ko binaba niya ang kanyang dalawang paa.

"Para sa MAMA 2016. Mga banner lang naman ito tsaka yung para sa season greetings ko."

"Tulungan na nga kita kawawa ka naman kasi walang tumutulong sayo bukod sakin." Aba ang kapal magsalita ng ganyan sa akin. Pag ako talaga nainis.

"Sapakin kaya kita Jae?" sabi ko sakanya.

"Joke lang hindi ka naman mabiro oh!"

"Kitams, dami mong alam. Tumulong kana nga sa akin para matapos na 'to." Tumayo siya agad at pumunta sa room kung saan ako nagpr-print.

"Pagkatapos nito punta tayo sa travel agency para magpa book ng flight diba?" tanong sa akin ni Jae.

"Oo sabay na tayong kumuha kailangan nating bilisan baka maagawan tayo ng date." Tumango nalang siya at tumulong na sa akin mag print ng kung ano ano para sa MAMA 2016 at iba pa.

💐💐💐

TheFearlessb

Fansitenim | MingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon