"LULU!!!!" narinig ko mula sa pwesto ko ang sigaw ni YeonJi.
"Hoy!!! anong ginagawa nyo sa kanya? Umalis na kayo kung ayaw niyo mapahamak!" narinig kong sigaw naman ni Luhan. Nandito rin pala siya sa factory.
Mukhang napasok na naman sa gulo si YeonJi. Magpasalamat siya at mayroon siyang mga kaibigang lalaki para ipagtanggol siya.
Nandito ulit ako sa aking punong palaging pinagpapahingahan. Katabi lang ito ng factory at rinig na rinig ko dito ang lahat ng nangyayari sa loob. At sa tingin ko nakaya namang itaboy ni Luhan ang umapi kay Yeonji. Mukhang hindi ko na kailangan makielam.
Muntik ko nang makalimutan, hindi marunong makipaglaban si Luhan. Pero mukhang takot na takot naman silang tumatakbo palabas ng factory.
"Haay!!! Bad timing naman oh.... nangako na ako sa girlfriend ko na hindi na ako makikipag-away e..... Bakit ba kasi sila tumatakbo papunta sa direksyon ko??" Sinasabi ko sa sarili ko habang pababa ng puno. Hindi naman ako ganun kagaling makipaglaban pero sapat na ang kakayahan ko para masaktan ang mga kalaban.
"Aaaah!!!!! Aray ko!!!!! Ano ba!!!!!" sigaw ng isang lalaking nabagsakan ko habang pababa ako ng puno. Buti na lang at medyo chubby siya , medyo malambot. Pero, bakit may matigas? Kinapa ko at nalaman ko na kung ano iyon............. isang baseball bat.... kung ganun siya pala yung naririnig kong duwag nilang leader.
"Hoy, ano bang nginingiti-ngiti mo dyan?!?" sabi ng isa.
"Kung ako sa iyo, simulan mo nang lumuhod para magmakaawa!!" sabi pa ng isa.
"Hahaha, sige na nga pagbibigyan ko kayo. Pano bang luhod ang gusto niyo? Ganito ba?" pang-asar kong pakita sa kanila.
"Aba bastos pala ito e!!! Hoy lampa, hindi mo bang nakikitang lima kami." inis na inis na sabi ng pangatlo. Bakit siya naiinis ng ganito? Lumuhod lang naman ako habang nakapatong parin sa leader nila. Masakit kayang lumuhod sa lupa. Buti pa dito malambot.
"Paalisin niyo nga itong lampa na ito!!" sabi ni chubby. At biglang may sumipa sa akin mula sa likod ko dahilan para mawala ako sa pagkakadagan sa leader nila.
"Binabalaan ko kayo! Get away from her! Kundi, pagsisisihan niyong nakita niyo pa siya!!!!!" pagbabanta ko sa kanila. At talagang seryoso ako sa sinabi ko. Mahalaga si YeonJi sa akin, pati na rin kay Luhan. Para na kasi kaming pamilya at siya lang ang aming only girl.
"AAAAHH!!!! 'wag ng madaming satsat!!!!!" sigaw ni chubby habang papasugod sa akin at balak akong hampasin ng bat. Naagaw ko ang bat sabay tulak sa kanya papunta sa kanyang mga alagad.
"Sige! Simulan na natin ang laban na walang gamit na armas." Paghahamon ko sabay bali ng baseball bat na hawak ko.
Ang mga sumunod na eksena ay naging madugo na. Ayaw pa kasi nila sumuko.
"Katapusan mo na!!!!!" sigaw ni chubby sabay hagis ng isang malaking bato. Nakaiwas naman ako pero nagasgasan ako. Ito ang dahilan kaya lalong uminit ang laban.
Makalipas ang ilang minuto..............
"Yeon Jung-ah!! Ano ba! Lumayo ka na sa'kin! Ayoko na!" sigaw ni Luhan na nagmamakaawa.
"'Wag ka ngang magulo! Kasalanan mo ito e!! Wag ka na rin masyadong maingay!!!!!" sabi naman ni YeonJi. Ano ba 'tong dalawang ito, talagang dito pa naggaganyanan.
"Yah!! Yah!!!! Tumigil na kayo diyan!!! Kung hindi ko kayo kilala sasabihin kong magsyota kayo e" joke ko sa kanila.
"Jong in!!!!!!" pagsusumbong ni Luhan. "Tulungan mo ako! Ayaw akong tigilan ni Yeon Jung." dagdag pa niya. Napangiti lang akong pinapanuod sila.
"Eto kasing si Lulu e! Ayaw tumigil sa pagtagaw sa akin ng Yeon Jung tas nung inasar ko naman, ayaw na akong pansinin." sumbong naman ni YeonJi.
"Sige na nga! Tama na yan." pag-aawat ko sa kanila. "YeonJi, hapon na! Tara na iuuwi ka na namin ni Luhan sa inyo."dagdag ko.
Naglalakad na kaming tatlo papunta sa bahay ni YeonJi nang biglang may tumulo sa damit ko.
"Uh? Jong in, okay ka lang ba? San galing yung dugo? Bakit may sugat ka sa noo?" sunod-sunod na tanong ni YeonJi sa akin. Loko na mga yun, akala ko maliit lang na gasgas yung nagawa nila sa akin.
"Huh? E wala to! Nahulog lang ako sa puno kanina. Kayo kasi e, ang ingay niyo sa loob!!"pagsisinungaling ko.
"Hahahaha...... akala ko ako na yung pinakalampa sating tatlo......" pang-aasar ni Luhan.
"Tsss..... manahimik ka na nga diyan.... teka kanina meron akong nakitang limang lalaking takot na takot na tumatakbo mula sa factory..... ano ba ang nangyari???" tanong ko na parang walang alam.
"Mamaya na namin sasagutin yan. Pumasok muna kayo sa loob para magamot na rin yang sugat mo." singit ni YeonJi. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila ng hindi ko napapansin.
"Ito kasing si YeonJi napasok na naman sa gulo." pangungunang kuwento ni Luhan.
"Yung mga lalaki kasi na yun e, ang babastos!!! Binastos kasi nila ako kanina kaya tinadyakan ko yung leader nila....." kwento ni YeonJi.
"AAAHH!!! Yeon Jung-ah!!!" pagrereklamo ko.
"Kalalaki mong tao, nagrereklamo ka na kagad diyan. Samantalang kanina, wala ka namang nirereklamo na may masakit sa iyo." pasigaw ni YeonJi.
"Ikaw naman kasi e! Binubuhos mo yung galit mo sa akin. Dinidiinan mo yung pagpahid ng gamot!" reklamo ko ulit.
"Ah...... sorry..... na......" sabi ni YeonJi.
"Luhan pano mo pala sila napaalis?" tanong ni YeonJi sabay inspeksyon sa mukha ni Luhan. "At wala kang kagalos galos ah........" dugtong pa niya.
"Laking pasasalamat ko sa leader ng 3-D, kay Jong in!!" tuwang-tuwang sinabi ni Luhan.
"Ako???" tanong ko.
"Oo, pinakitaan ko lang naman sila ng mga moves na tinuro mo samin. Yung Metal ng EXO!!!" sagot ni Luhan. Walang kaduda duda na siya ang tinaguriang utak ng 3D. Hindi ko nga maiisip yun sa ganoong klase ng sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Back Away from Her! (엑소)
FanficIto pong storya na ito ay medyo hango sa mga vcr, performance, at drama version na ginawa ng EXO. First time ko lang po magsulat ng storya pero sana magustuhan niyo. V(^-^). At isa pa pala: Please always support EXO!!!!! V(^-^). [Story is stopped. N...