HDHA - Twenty One - She Made My Heart Pound

3.2K 81 21
                                    

Hello hello! :D It's UD time! :))

Kamusta naman fans nila Luigi at Shekinah ha? Sinusuportahan nyo pa ba sila kahit bihira lang sila magparamdam? Well, you better be! HAHA. Wag palalagpasin ang kanilang tambalan. :)

By the way, guys. Pagdating sa kilig scenes, bale POV lang muna ni Luigi. Saka na kay Kinah kapag si Luigi na ang naging sweet sa kanya. For now, ang BAD BOY muna ang ating paaamuin. 

Happy Reading!

==========================================================

TWENTY ONE

She Made My Heart Pound

LUIGI'S POV

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Takte, nasisilaw ako sa liwanag na galing sa may bintana. Hindi man lang ata nasara. Aish! Umpisa ay medyo malabo pa ang paningin ko. Nung luminaw ay saka ako...nagulantang sa nakita ko! 

Shit. Si Eva...bakit katabi ko?! Nakayakap pa ako sa kanya. At ang mukha nya nakaharap pa mismo sa akin. Tangina, paano nangyari to?! Napaisip ako.

"Ya.

Dito ka lang. Wag kang aalis."

Lumalim ang pagkakunot ng noo ko. Ako rin pala may kagagawan kung bakit nandito ang babae na to ngayon sa tabi ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hay, Luigi! Iba ka talaga kapag may tama. Babangon na sana ako nang may naramdaman akong mahigpit na pagkakayakap sa akin. Napatingin ako sa baba. Nakayakap pa pala sa akin ang babaeng to! Puta! Nakashorts lang din pala ako?! Pilit akong pumiglas...pero di ako makawala. Grabe naman tong babae na to. Gising ba to o hindi? Nung pagtingin ko sa kanya...

Nakangiti na sya sa akin. "Good Morning." malambing nyang bati. Parang...parang biglang tumigil tuloy ang ikot ng mundo ko. Ang tamis ng ngiti sa akin ni Eva. Parang nadala ako sa malambing na tono ng boses nya. KAKAIBA. Di ko ma-explain itong nararamdaman ko. Napatitig na lang ako sa kanya. 

Tinititigan ko ang ngiti nya. Di ko alam kung gaano ko katagal tiningnan yun pero bumalik na lang ako sa ulirat ko nung tinawag nya ako. "Ser?" Umiling-iling ako saka humiga ng diretso. Ang bilis ng tibok ng puso ko doon ah. Nagtaklob nalang ako ng kumot hanggang dibdib. Hinubaran nya ako kagabi?! 

"Hmmwaaaaaaah!" Laking gulat ko...hinalikan ako ni Eva ng matagal sa pisngi! Ano ito?! "Sabi sa libro na nabasa ko...dapat daw may good morning kiss. Hihihi." nakangisi pang sabi nya sa akin. Sabay bangon nya ng kama at tumakbo papuntang pinto. "Magluluto lang ako ng breakfast natin, Ser." 

Lumabas na sya ng kwartong nagmamadali. Naiwan lang akong...NGA NGA. Anong nakain ng babaeng yun? Ba't ganun sya makitungo sa akin? Napahawak ako sa pisngi ako sabay iling. Weirdo talaga! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaweirduhan nya. Aish. 

SHEKINAH'S POV

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon