My Heartless Girl (one shot)

465 8 1
                                    

*** Lorenzo Panganiban's Point of View ***

Mabagal ang galaw ng jeep na sinasakyan ko. Ay hindi pala. Halos hindi na ito nagalaw. Panay ang tingin ko sa relos ko. Pucha! Malapit na! Hindi ko na nakayanan at bumaba na ako ng jeep. Syempre nagbayad naman ako. Ano 123?

Ano ba Lorenzo? Napakawalang kwenta mo talagang boypren! Magaalas singko na wala ka pa dun? Takbo! Dali. Hay nako! Papagalitan ka nanaman nun.

Kulang na lang madapa na ako sa kakatakbo sa kalsada para lang makapunta dun in time.

5 ang qouta ko at 4:56 na ngayon. Konti na lang, konti na lang. Konti pa!

"Oh? Hijo, napaaga ka nata?" Tanong ni Mang Jacob.

"Kow, manong naman. Late na nga po ako eh." Sagot ko sa hardinero nila. Tumingin ako sa bintana ng kwarto nya. Sarado pa din ang kurtina. Tulog pa siguro sya. Napangiti naman ako, di pa pala ako late.

"Aba napakasipag na bata, alam mo ba na noong kapanahunan ko----" unti unting bumukas ang kurtina at lumiwanag ang lahat. Sa kanya lang nakafocus at natugtog ang "A thousand years" Bagong gising sya at humihukab pa, pupungas pungas pa ng mga mata. Napangiti ako ng matamis, "siya na talaga." ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

"Good morning Baby~!" Sigaw ko habang kumakaway. Tinignan nya lang ako at sinarado ng kurtina. Kahit kailan, suplada talaga <3

Pero syempre kahit na laging poker face ang mukha nya pag nakatingin sakin, kahit na "oo" at "hindi" lang ang madalas nyang sabihin, kahit na ilang bes na kong mamatay sa ubo sa pagpapatuyo ng pawis para mabigay sa kanya yung extra t shirt ko, kahit na minsan o lagi, walang thank you, kahit na mamulubi na ko basta malibre ko lang sya, kahit na mapuyat ako dahil laging 4 ako nagising para sa kanya, kahit na di nya pa ako minsan man lang mabati ng "happy monthsary". Wala akong pake, si Celeen na talaga. :')

"Very early good morning hijo." Bati sakini Tita Stella abang kinukusot pa yung mata nita.

"Hehe, good morning din po." Sagot ko naman.

"Pasok ka muna kakagising lang ni Celeen eh. Did you already ate your breakfast? Dito ka na mag-almusal." Nakangiting alok nya sa akin.

"Hindi na po. Iintayin ko na lang po sya dito." Sagot ko naman sa kanya, pero gaya ng laging nangyayari. Pinapapasok nya talaga ako. Kaya ayun pumasok na din ako.

Sa 2 months na naging kami. Naging sobrang saya ko at kuntento. 2 years ko syang niligawan at sa dalawang taon na yun, may mga nakaribal ako. Sa dalawang taon na yun nagkaroon sya ng 3 boyfriend pero di ako sumuko, kaya ngayon. Eto, nakamit ko rin ang "oo". :')

Nakakabakla ba mga bro? Pasensya naman. Sobra kasi sa worth it ang girlfriend ko kaya napapakwento ako ng sobra.

Bumaba na sya ng hagdanan. Alam niyo yung parang slow mo lahat? Minsan nga nakatunganga na lang ako sa kanya eh. Tumingin ako sa relos ko 6:30 pa lang. Pinanood ko lang sya kumain, tapos na kasi ako.

"Aalis na ko." Yun lang amg sinabi niya sa Mommy nya. Ngumiti na lang si Tita at tumango.

"Buti naman hindi ka na late ngayon?" Taas ang kilay nyang sabi sakin

"Hehe, syempre naman. Babes, busy ka mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Matipid nyang sagot at hindi man lang lumingon sa akin.

"Aw sayang." Pagpapacute ko sa kanya.

"Eh bukas?" Tanong ko ulit.

"Oo." Sagot nya ulit. Puchis, nakakalungkot naman.

"Eh sa---- "Tumigil ka na jan, Lorenzo. Wala akong balak makipagdate. Hindi mo ba napakiramdaman yun?" Naiirita nyang tanong. Napasimangot naman ako, bakit kaya ang hirap nyang mapasama.

My Heartless Girl (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon