Bumalik Ka Na Naman (ONESHOT)

6.4K 260 84
                                    

Copyright 2014 © Yeppeun

Bumalik Ka Na Naman | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.wattpad.com/groups/IstoryaheNiBlesie


•••

Dumadating talaga sa punto na kahit gaano niyo kamahal ang isa't-isa kailangan tanggapin na iiwan ka rin niya balang araw. Wala na tayong magagawa.. Kundi ang masaktan, umiyak at tanggapin ang katotohanang hindi sila ang para sa atin. Tulad ng nangyari sa akin.

"Move-on na ba girl?"

"Malapit na."

"Puro ka malapit na! Kailan ko ba maririnig 'yung salitang 'Oo! Move-on na ako!' Nako, Sherina naman." bahagyang tumawa ang kaibigan ko at umiling ito. "Alam mo, ikaw lang nag bibigay sakit diyan sa puso mo. Tulungan mo kasi ang sarili mo." kinindatan naman niya ako saka hinigop ang kahuli-hulihang coke sa baso niya.

Hindi na ako nag salita at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Kailan ba kasi kita makakalimutan? Bakit kasi ang hirap mong tanggalin sa puso ko?

Simula 3rd year highschool hanggang 4th year ikaw na ang naging buhay ko, masaya naman tayo diba? Boto sayo ang parents ko, gustong-gusto ako ng mama mo. Everything is perfect.. Pero bakit mo ako iniwan?

Pinangako mong hanggang dulo tayo, sabay tayong papasok sa college, sabay tayong mag papatuloy ng pangarap natin. Pero nasaan ka ngayon? Bakit mo ako binitawan?

Hindi ko matanggap ang rason mong hindi ka pa handa para tumagal pa lalo ang relasyon natin, hindi ko matanggap na sinira mo lahat ng pangarap natin sa isa't-isa.. Lalo na ang mga pangako mo. Hindi ka ba talaga handa? O baka naman nag sawa ka na?

Sabi mo darating din ang tamang panahon para sa atin, kung tayo talaga edi tayo.. Pero lintik! Kung tayo talaga, bakit mo ako hiniwalayan? Bakit mo ako iniwan?

Simula noong nawala ka sa buhay ko, pakiramdam ko dinala mo ang mundo ko at kinuha mo ang puso ko. Wala ng natira sa akin dahil binigay ko sayo lahat-lahat.. Pati yata kaluluwa ko kinuha mo na. Pwede bang ibalik mo sa akin ang lahat? Pwede ka bang bumalik para maging buo ulit ako?

Bibigyan kita ng pagkakataon para maging tayo ulit, kahit ilang chance pa 'yan ibibigay ko sayo hinding-hindi ako mag sasawang bigyan ka ng walang hanggang pagkakataon. Hinding-hindi ako mag sasawa sayo. Ganyan kita kamahal...

Lahat isinugal ko sayo, sabi mo hindi tayo susuko sa laban, hindi tayo mag papatalo sa mga problema.. Pero sabi mo lang 'yon, hindi mo naman ginawa. Nag padaloy ka sa agos ng kagustuhan mo, hindi naman ito makakabuti para sa atin. Siguro nga makakabuti sayo kasi desisyon mo 'yan, pero tayong dalawa ang nasa relasyon na 'to bakit nag dedesisyon ka agad ng ayaw ko?

Sabi mo tayo na hanggang sa huli, walang bibitaw sa lubid kahit na malapit na itong mapigtas kakapit pa rin tayo.. Pero hindi pa ito napipigtas, sobrang tibay pa ng lubid.. Bumitaw ka agad. Ako naman itong mahal na mahal ka, kapit na kapit pa rin at hinding-hindi bibitaw.

Naalala ko noong bago tayo grumaduate, nag text ka sa akin... 'Yung simpleng 'congrats' mo lalo na naman akong nahuhulog sayo, nag momove-on ako sa mga panahon na 'yon dahil gusto kong umalis sa high school na hindi na kita mahal. Pero bumalik ka, nag text ka sa akin.. Ayan tuloy, mahal na naman kita.. Hulog na hulog na naman ako sayo.

"She! Punta na tayo sa next class natin." tumayo si Cass kaya napatayo na rin ako. "Smile girl! Bawal ang sad!" usal niya habang naka-ngiti sa harap ko.

Dinampot ko ang librong nasa lamesa at ngumiti na rin sa kanya. "Tara na nga." naiiling sambit ko at sabay kaming lumabas sa isang fast foodchain.

Bumalik Ka Na Naman (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon