Azelie's
Hapon na nang matapos namin yung mga banner tsaka season greetings. Kaya pumunta kami agad sa travel agency para magpa book ng flight kasi may hinabol kaming date dahil kailangan naming makapunta sa hongkong bago mag MAMA 2016.
"Jae, pano yung sa unit natin? Ikaw ba yung maghahanap ng condo sa hongkong? Dapat nakaready na yun para bayaran nalang natin kapag andoon na tayo."
"Ah oo ako nang bahala doon. Wag kanang mag-alala okay."
"Sige, akala ko kasi hindi mo pa iniisikaso." sabi ko sakanya.
"Anong nakuha mong date?" tanong niya naman sa akin.
"Nov 29. Okay lang ba yun?"
"Oo naman tapos pasyal tayo doon kahit saglit lang."
Sa totoo lang kapag nandoon na kami ni Jae, kinakabahan ako kasi makikita ko nanaman siya. Hindi si Lohee yung tinutukoy ko kundi si Mingyu. Para kasing kilala niya ako or nag a-assume lang siguro ako kasi sa tuwing kinukuhanan ko siya sa bawat galaw niya palagi siyang tumitingin sa akin o kaya sa lens ng camera ko, yung para bang hinahanap niya ako sa crowd. Basta iba yung feeling pagdating sa akin.
"Tulala ka nanaman. Aba kinakausap kita oy." Nawala ako sa tuliro nang magsalita siya.
"Sorry may iniisip lang ako."
"Si mingyu ba?" tanong niya. Ang galing talaga manghula ni Jae sa mga iniisip ko.
"As always."
° ° °
"Aze, kailan pala kayo mag-uusap ni Lohee?" tanong niya sa akin. Oo nga no, kailan nga ba. Hindi ko rin kasi alam wala naman nabanggit si Casi nung nagmeet up kami sa coffee shop. Basta yung sinabi niya lang sakin na gusto akon makausap ni Lohee.
"Hindi ko alam."
"Bakit hindi sayo nasabi ni Casi nung nag-usap kayo?"
"Baka nakalimutan niya or hindi sinabi ni Lohee kung kailan. Sa tingin ko nga, sa MAMA 2016 yun mangyayari."
"Seryoso? Bakit doon pa? Pwede naman ngayon bago tayo umalis." Tama nga naman siya. Nakakahiya kasing ako pa yung magp-pm sakanya. Taas ng pride ko mga beh.
"Oo, hayaan mo nalang siya Jae. Kung gusto niya akong kausapin sa MAMA, edi go lang. Hindi ko naman siya aawayin kapag nag-usap kami."
"Kapag nag-usap kayo kailangan andun ako ha. Baka mamaya magsambunutan kayo doon jusko." sabi niya. Loka loka talaga tong si Jae.
"Kahit na wag Jae. Pabayaan mo lang kami."
"Tss, oo na boss."
"Anong boss? gaga ka talaga."
"Segwey ko lang Aze, sa totoo lang shiniship ko talaga kayo ni Mingyu. Bagay kayong dalawa promise. Sana magkatuluyan kayo balang araw kasi paniguradong kilala ka nun."
"Nako Song Jaehee tigil tigilan mo ako sa mga ganyang bagay."
"Weh? Di nga? Kinikilig ka lang eh." pang-aasar niya sa akin. Tangina kinikilig nga ako pero naiinis naman ako kasi ayokong mag-assume na baka totoo iyon.
"Hindi ah."
"Kahit huwag mo ng sabihin sa akin alam ko na yun Azelie. Ako pa? bestfriend mo kaya ako. Kilalang kilala na kita Azelie."
"Tupang ama ka Jae." sabi ko sakanya at tinakpan ko agad ang buong mukha ko gamit yung bag dahil sa sobrang hiya. Feeling ko namumula ako.
💐💐💐
| a/n: Santa Mingyu at your media 💕 |
Thefearlessb
BINABASA MO ANG
Fansitenim | Mingyu
Fanfiction❝ I always capture the best of you. ❞ -Svt_Insomnia © Thefearlessb