Maybe... loving someone is letting go.
Sofia's POV:
3 months later..~
Tatlong buwan na mula nang huli kaming mag-usap ni Kaiden. Nakapasa ako sa exam ng PMA. Malapit na din ang alis ko para makapasok sa military. Lihim ko rin naman siyang sinusundan minsan para makasigurado ako na okay siya pati na rin si Vanna. Pinupuntahan niya 'ko sa department namin pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ayoko na siyang makausap. Isa pa, okay na rin naman silang dalawa ng ex... I mean girlfriend niya. Hindi naman pala sila naghiwalay.
"Next week na ang punta natin sa kampo." Sabi ni Culala, nakapasa din kasi siya.
"Oo nga e." Sabi ko at huminga ng malalim.
"Hindi ka ba magpapaalam sa kanya?" Tanong niya.
"Hindi na. Para saan pa? Ayoko na ring guluhin ang buhay niya."
Matagal na 'kong umalis sa condo na tinitirhan ko na ipinahiram niya sa'kin. Isang linggo lang akong nag-stay do'n at umalis din ako agad. Pinatuloy muna ako ni Culala sa apartment niya kaya hindi rin naman ako nagpalaboy-laboy.
"Lagi siyang naghihintay sayo. Lagi ka rin niyang hinahanap sa amin sa school noon."
"Hayaan mo na 'yon. Magpapaliwanag lang naman 'yon dahil sa nangyari noon. Di ko na kailangang marinig pa 'yon. Isa pa, wala naman talagang namagitan sa'ming dalawa."
Hindi na kami pumapasok sa school. Noong nakapasa kami ay pumapasok pa naman pero nang confirmed na ang pag-alis namin ay hindi na kami pumasok. Sayang kasi ang pamasahe.
"Siguraduhin mong wala kang pagsisisihan sa oras na nakapasok na tayo 'dun." Napatingin ako sa kanya.
"Siguradong meron... pero 'yun na siguro ang punishment ko sa pagtakas kong 'to sa realidad." Sagot ko.
Kung sinabi sana niyang huwag akong umalis... malamang, hindi ako nag-take ng exam. Hindi ko sana siya iiwan.
Kaiden's POV:
It's been three months since my last conversation with Sofia. Everyday, I am searching for her. Gustung-gusto ko siyang makausap para masabi sa kanya ang lahat. Lalo na ang nararamdaman ko. Mula nang araw na hindi ko na siya nakausap, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko. Maybe, it's too late before I realized that I love her. Yes, I am deeply in love with Sofia.
- Flashback -
"Anong ibig mong sabihin na papasok ka na sa military?" Tanong ko.
"May balak talaga 'kong pumasok 'don." Sabi niya nang hindi pa rin tumitingin sa mga mata ko.
"K-kung... 'yon ang g-gusto mo." Sabi kong huminga ng malalim, "Sige."
- End of flashback -
I am trying to call her but she's rejecting my calls. Hindi naman talaga kami nagkabalikan ni Samantha. I don't love her anymore. 'Nung nasa harap ko silang dalawa, mas gusto kong nasa tabi ko si Sofia. I told Samantha everything, but she couldn't accept it. Hindi na 'ko nakapagsalita nang sabihin niya kay Sofia na nagkabalikan na kami. I'm too much of a coward. Hindi ko siya pinigilan.
"Still can't find her?" Napatingin ako sa apat na nakatayo at naka-cross arms sa harap ko.
"Ano pa nga ba." Sagot ko at huminga ng malalim.
"May nalaman kaming info sa kanya, Kaid." Justine said.
"What is it?" Tarantang tanong ko.
"She's leaving next week. She's about to go to the camp." Ken replied.
BINABASA MO ANG
In the Midst of Forever
RomansaAs the story of their hearts starts, it will begin to show signs of its end. Let's read the love story of Kaiden and Sofia in the midst of forever.