Wallet Sa Daan

4 0 0
                                    

Nag lalakad ako noon pauwi saaming bahay ng may makita akong wallet sa daan. Pinulot ko ito at tumingin tingin ako sa paligid para hanapin kung kanino yung wallet na iyon, ngunit ako lang pala ang nasa kalsada noon. Binuksan ko ang wallet para tingnan kung sino ang may ari neto. Pag bukas ko ay may nakita akong litrato sa loob, lalake pala ang may ari. Namukaan ko yung nasa litrato at siya pala ay taga doon din sa eskwelahan ko. Kinabukasan ay hinanap ko siya sa aming eskwelahan ngunit hindi ko siya nakita. Pauwi na ulit ako at habang nag lalakad ako doon sa lugar kung saan ko napulot yung wallet ay nakita ko siya doon na nag hahanap ng kanyang wallet. Linapitan ko siya at iniabot ko sakanya yung wallet niya. Lubos siyang nag pasalamat saakin at tinanong niya ang pangalan ko. Nag pakilala ako sakanya at nag pakilala dim siya saakin. Sabi niya saakin libre niya daw ako ng fishball at pumayag din ako. Nalaman ko na taga doon din pala siya sa may saamin. Simula noon naging mag kaibigan na kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Ang Wallet Sa Daan" (11-St. Maria Goretti)Where stories live. Discover now