Chapter Sixteen- Breanne's job haunting

11 0 0
                                    

Breanne's POV

************

Wala kaming imikan habang nasa sasakyan. Maliban sa paminsan minsan nahuhuli ko itong nakatingin sa akin.

Napakagwapo talaga nito, at sobrang naiinis na ako sa king sarili kase panay ang tahip ng dibdib ko kapag tumitingin ako dito.

"Pakibaba na lang ako sa PUP Main, may dadaanan pa kase ako dun" sabi ko.

Tumango lang ito. "Syanga pala about the locket, wala ka ba talagang balak isoli yun sa kin? I believe I already told you how important that locket to my girlfriend's family right? Kaya kung may konsensya pa sana isoli mo na" walang ano ano ay untag nito.

Nagsalubong ang kilay ko, at nakaramdam na naman ng inis dito.

" Seriously?  Hindi ka ba marunong maniwala sa sinasabi ng ibang tao? Ilang beses ko bang kailangang sabihin na wala sa akin ang locket?! "

Nagkibit balikat lang ito na lalong nakapagpainit ng dugo ko. Sarado na talaga ang isip nito...

"Baka!  Baka!  Baka! " inis na sigaw ko dito.

("Baka" means idiot or moron in Japanese)

"What? " tanong nito.

"I said you're a baka! "

"Hindi ako baka! "

"Akala mo lang hindi!"

"Whatever" saka nagkibit balikat uli ito.

Hindi na lang ako umimik, humalukipkip na lang ako saka bumaling sa labas ng bintana, kasehadong mangalay ang leeg ko wag ko lang itong makita...

Hindi na din ito nagsalita hanggang makarating sa bababaan ko.

Pero syempre nagpasalamat pa rin ako dito kahit labas sa ilong ko.... 

************

Pagdating sa shop, nakaramdam na naman ako ng lungkot. Iginala ko ang  mata ko sa paligid puro masayang ala ala ang nakikita ko saan mang sulok ako tumingin.

Sa loob ng halos mahigit isang taon masyadong napamahal sa kin ang  lugar na ito, bumuo ako ng pangarap na balang araw mapapalago ko ito at magiging maayos ang lahat sa min ni Lola Zeny at syempre----pati na rin si Karah.

Gustong tumulo ng luha ko pagkaalala sa matanda " kumusta na kaya sya?  Sana hindi sya magkasakit at sana masaya sya ngayon" piping dalangin ko

Isa isa ko nilipit lahat ng kailangan kong dalhin sa paglipat, lahat ng kliyente ko na may ari ng computers ay tinext ko at nagpaliwanag na home service na lang ang gagawin ko....

I took a deep sigh "Pano na kaya si Anne, alam kong masasaktan sya kapag nalaman nya na hindi ko na pag aari tong shop"

Tumunog ang Cellphone ko, number lang ang naka register.

"Hello...? "

"Hello? Breanne? "

Nabosesan ko agad si Karah. Nabuhayan ako ng pag asa.

"Karah?  Nasan ka?  Nasan si lola?  I want to talk to her! "

"Hhmp!  Kaya ako tumawag dahil gusto ko lang sabihin sayo na may pagkakataon ka pa na mabawi ang shop, pinakusapan ko yung buyer na kapag may sapat ka ng halaga eh bibilhin mo uli ang shop----- iyon ay kung makakaipon ka sa loob ng  kalahating taon ng sapat na halaga, you see? I am not that bad may puso pa rin ako kahit pano...."

Sukat sa narinig bumangon ang pag asa sa king puso.

" talaga? Gustong gusto kong mabawi uli ito at gagawin ko lahat ng paraan para mangyari yun"

I Lied, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon