Chapter 8 : To Escape

8.5K 215 3
                                    

- RAVEN'S POV -

Napahawak ako sa aking pisngi at bigla na lamang akong natawa. "Damn!" Saka ako napailing-iling. Sinadya kong patagalin pa ang paglilinis niya rito.


I never thought that she could slap me that way. She's the only girl who slap me. Mabuti na lang hindi hard, pero natatawa pa rin ako when I remembered her reaction when I reached her lips.


"Siya nga.." I smirked.


Her smell, her soft lips.. Ibang iba kay Monique. I remembered the night I rented her in a bar and from what we did in hotel. I know I was drunk that night but while I'm kissing her I thought she's Monique. After what we did, she fell asleep, she didn't know that I slowly take off her mask in her eyes. At doon na lamang ako natauhan nang pagmasdan ko ang maamong mukha ng babaeng katabi ko. She's very look innocent, and I was surprise that she's still a virgin and I'm the first who took it.


And when I investigate her background, doon ko na laman na working student siya. her real work is a waitress and she's not belong of the One Night Girls, pero bakit naging prostitute siya that time?


I took my phone on my pocket and I dialed the number of my secretary.


"Yes, sir?"


"Wag mo siyang hahayaang makaalis dito sa hotel, you know who am I talking, right?" Because I have this feeling na siguradong lalayas siya dito sa hotel, and I won't let it happen.


"Ahh.. Yes, sir.. Sige po, leave it to me."


"Good." I said then hung up the phone.



- SOPHIA'S POV -

"Ano?! Magreresign ka na?" Gulat na sabi ni Hana. "Wala naman ganiyanan, Sophia! Tayo na ngalang magkaclose dito iiwan mo pa ko."


Hindi ko siya pinakinggan dahil madali kong inaayos ang gamit ko dahil uuwi na ko.


"Ayoko na dito." Walang gana kong sabi sa kaniya.


"Huh? Eh ano ba kasing dahilan? May nambastos ba sayo?"


Walang ekspresyon ko siyang nilingon. "Nadali mo. Oo, meron at naiinis ako!"


Napakunot-noo siya sa aking sinabi. "Ano? Sino? Sabihin mo, para masipa ko ang balls niya!" Siga niyang sabi.


Napasapo ko na lamang ang mukha ko saka ko siya ulit tiningnan. "Salamat, pero wag mo ng alamin."


Salamat may kaibigan akong katulad niya para ipagtanggol ako pero ayoko lang ng gulo.


"Jusko! Binastos ka na, ipagtatakpan mo pa kung sino? Ang gulo mo, ah?"


"Basta ayoko na rito." Maktol ko.


Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay nakita ko siyang humalukipkip at in-snob-an ako. "Ganiyan ka, nang iiwan ng kaibigan. Sige umalis ka, hindi ka makakatikim ng 13k. Sayang yun." Aniya sabay tingin sa bagong manicure niyang mga daliri.


"Sorry.. Feeling ko kasi maling hotel ang napasukan natin Hana." Napaawang sabi ko.


Binaling niya ulit ang tingin niya sa akin at nakunot na ang kaniyang noo. "Paano mo naman nasabing MALI ang napasukan natin? Tama kaya 'to! Pero kung tama man o mali, hindi na ko aalis kung ganito lang kalaki ang sahod. At hindi naman pwede na palagi akong prostitute sa mata ng mga tao, lalo na't ayokong malaman ng anak ko kapag lumaki na siya. Dahil wala ka pang anak, isipin mo na lang ang pag-aaral mo, lalo na ang martikula mo."


Napakagat ko ang ibabang labi ko sa mga sinabi niya.


"Sophia, kalimutan mo na yung pangbabastos sayo kung sino man iyon. Palipasin mo na lang."


Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Hindi ko talaga kakayanin dito. Makakahanap pa naman ako ng iba na may part time."


Inirapan niya ako at bumugtong hininga. "Bahala ka, hindi talaga kita maintindihan.. Sige, umalis ka na.. Pero keep in touch pa rin."


Bahagya akong napangiti. "Salamat, Hana.. Makakaasa ka."


Tumango na lamang siya kaya umalis na ko ng lounge.


Naglakad na ko sa hallway hanggang sa makarating ako sa lobby, lalabas na sana ako nang bigla akong hinarangan ng dalawang bell boy dito sa palabasan ng hotel.


"Sorry, ma'am. Hindi pa po time ng out ng mga housekeepers."


Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Alam ko at nagresign na ako kaya palabasin niyo na ako."


Umiling sila. "Sorry ma'am.."


Tinalikuran ko sila at naghanap ng emergency exit. Wala na kong pakealam, basta aalis na ko rito. At nang makahanap ako ay pinilit kong binuksan ang pinto kaso hindi ko mabukas.

"Miss, Bawal diyan!" Napalingon ako, isang lobby boy. "For emergency purpose lang iyan."


Bwisit! Paano ako makakatakas nito?





#ChaTara08

All Yours Are Mine [TGKS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon