Chapter 29: Let The Fight Begin!

111 2 0
                                    

" Hi sweety! Goodmorning. " Binati ko agad si Aeries pagkakita ko pa lang sa kanya. She just smiled at me saka inilapag ang ilang libro sa mesang kinauupuan nila Wendy, Gladys at Adrian na siya namang katabi lang ng mesa naming first five. Hindi muna siya naupo at tumingin siya samin, sa akin.

Para siyang may sasabihin na hindi nya alam kung paano sisimulan. We all stared at her waiting for her words. Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago nagsimulang magsalita.

" Guys... I want to tell you something... " Huminto muna siya saglit. Para naman akong kinabahan sa sasabihin nya.

" Guys I decided to reconcile with.... "

" Sissy" Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin sa amin matapos naming marinig lahat ang pamilyar na tawag na yon.

Lumapit siya sa pwesto namin at niyakap si Aeries. Tumingin naman siya saming lahat at tumagal ng kaunti ang tinging iyon kay Pochollo saka siya ulit tumingin sa amin ng nakangiti.

" Hi guys.. Miss me? " Tanong nya saming lahat na akala mo nagbakasyon lang siya ng ilang buwan sa malayo.

Si Nikka, maliwanag pa sa sikat ng araw na okay na sila ni Aeries at balik na sa dati ang samahan nila.

Wala namang problema yun dahil yun din ang gusto kong mangyari. Ayokong nakikitang malungkot si Aeries dahil namimiss nya ang best friend nya.

Ang tanong ko lang....

Babalik na rin ba sa dating malamig na pakikitungo sakin si Aeries? Dahil nandyan na ulit ang best friend nya, ma iitsa pwera na naman ba ko? Kami ng first five? Ayokong mangyari yun at hindi ko hahayaang mangyari yun.

Lumapit ako sa mesang kinauupuan ng grupo nila Aeries na busy na sa pangangamusta sa nagbabalik nilang kaibigan. Pasimple kong pinausod si Adrian na siya namang katabi ni Aeries.

Nakatalikod si Aeries kaya hindi nya napansing umupo ako sa tabi nya. Hinawakan ko yung bewang nya at sadya kong idinampi ng kaunti ang labi ko sa punong tenga nya at bumulong.

" I forgot my handkerchief sweety." Nahuli ko ang paninigas ng katawan nya sa ginawa ko. Senyales na naaapektuhan siya sa ginawa kong iyon. 

Damn! Bakit parang mas may epekto sakin yung pagkakaamoy ko sa bango niya?

Napatigil silang lahat sa ginawa ko. Tumingin sila kay Aeries, marahil para malaman if anong gagawin nya. Ako din, gusto ko ring malaman.

Nilingon nya ko saka ngumiti at may dinampot sa loob ng bag nya.

" That's why lagi akong may dalang extra towel for you... "Iniabot nya yun sakin saka ako tinaliman ng tingin. " lagi ka na lang nakakalimot. Kung ano pa yung mahalaga yun pa nalilimutan mo."

As usual sinermonan nya nanaman ako.

Kinuha ko yung towel sa kamay nya habang nakatitig sa mga mata nya.

" Hindi ko kahit kailan nakalimutan yung pinakamahalaga sakin.... Hindi nga kita kinakalimutan eh... " Sabay pisil ko sa ilong nya at hinalikan ko ang tungki nito. Saka ako tumayo mula sa mesa nila.

" I have to go.  may presentation pa kaming ire-ready for our first subject. See you later. "

Bago kami tuluyang makalayo, narinig ko pa ang ilan nilang usapan.

" how sweet! "- Nikka.
" masanay ka na. Kasi mula ngayon pag kasama mo si Aeries laging may nakabuntot na Kiann"- Adrian.
" always silang sweet just so you know. "- Wendy.
" Yun ba yung friends lang? Hahaha! "- Nikka.

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now