Azelie's
Kasalukuyang nakaupo ako ngayon dito sa sariling kwarto ko. Kanina pa akong naghahantay sa tawag ni Jae sa messenger. Bakit kaya hindi pa siya tumatawag? Sa ganitong oras, wala naman dapat siyang gawin ngayon. Puntahan ko kaya siya sa bahay niya.
° ° °
Nandito na ako sa tapat ng bahay ni Jae kanina pa ako kumakatok pero walang nagbubukas ng pinto kaya sumigaw na ako "Jae buksan mo yung pinto!"
"Jae nandito ka ba?!" sumigaw pa ulit ako baka kasi naliligo siya o kaya natutulog tapos hindi ako marinig.
"Teka lang Azelie!!!" may narinig akong sumigaw mula sa second floor nila. Panigurado si Jae yung sumigaw, sobrang lakas akala mo may sunog na nagaganap sa loob ng bahay nila.
Pagkabukas ng pinto bumungad siya agad na naka bath towel, sabi na eh naliligo siya kanina nung dumating kaya medyo naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya bumaba.
"Anong ginagawa mo dito Aze?"
"May sasabihin sana ako sayo Jae kaso parang busy ka ata." sabi ko sakanya.
"Hindi naman ako busy, sadyang naabutan mo lang ako na naliligo kanina. Ano ba yang sasabihin mo?"
"Sa bahay ka sana matulog mamaya kasi bukas na yung flight natin diba?"
"Hala oo nga no bes, muntikan ko ng makalimutan. Teka pasok ka muna."
"Akala ko hindi mo na ako papasukin sa loob." sabi ko sakanya habang natatawa kasi parang nahuhulog na yung suot niyang bath towel na kulay pink.
"Aakyat lang ako sa taas Aze mag i-impake na ako tapos punta na agad tayo sa condo mo." sabi niya at umakyat na sa taas.
Naghintay ako ng matagal sakanya, sa isip isip ko pa napakabagal niya namang mag impake ng gamit. Hindi naman kasi kami gaanong magtatagal doon sa hongkong. Ang sinadya lang namin dun yung MAMA 2016. Syempre yun talaga ang pinakahihintay ng lahat.
💐💐💐
| a/n: HAPPY NEW YEAR GUYS!!! 2016 IS NEARLY OVER.
Let this New Year give you all the strength and courage to win over your vices and enhance your virtues.
Wish you have a year even better than the best and put smiles on the faces of everyone you come across.
Let's celebrate new year's eve together! |
Thefearlessb
BINABASA MO ANG
Fansitenim | Mingyu
Fanfiction❝ I always capture the best of you. ❞ -Svt_Insomnia © Thefearlessb