f o u r t e e n

46 8 0
                                    

November 29

Azelie's

Maaga akong gumising para ihanda yung breakfast para saming dalawa ni Jae. Maya maya kasi aalis na kami papuntang airport. 7:30 am kailangan nandun na kami kasi saktong 8 ata yung alis ng eroplano.

Pagkatapos kong magluto, pumunta agad ako sa kabilang kwarto para gisingin si Jae. Tulog mantika pa naman yun matulog. "JAE GISING NA!!!"

Aba ayaw magising.

"SONG JAEHEE GISING NA. IREONA!!!"

Ayaw talagang magising huh.

"SONG JAEHEE FIGHTING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Nagulat ako ng biglang napabangon siya at sumigaw din ng wala sa oras nang dahil sa sigaw ko.

"FIGHTING!"

Bigla akong natawa sa sinabi niya, para siyang si Hoshi. Naalala ko yung may video siya na tulog tapos sumigaw si Seungkwan ng Hoshi fighting tas nagising siya habang sumigaw din ng fighting at hoshi hoshi.

Oo nga pala ex-bias ko si Kwon Soonyoung a.k.a hoshi.

"

Salamat naman at nagising ka Jaehee." sabi ko sakanya at napafacepalm nalang ako sa sobrang tawa.

"Nagluto kana ng breakfast?" tanong niya. Kakagising niya lang tapos hanap niya agad yung pagkain. Hindi manlang niya napansin yung oras. Alam niya ba na may flight kami.

Habang kumakain kami may sinabi ako sakanya. "Jae, dalian mong kumain aba. May flight pa tayo."

"Hala weh? teka tapusin ko lang to."

"Oo malamang. Wait kain ka lang dyan maliligo lang ako. Naayos mo na ba yung maleta mo?"

"Sige, ah oo kagabi ko pa yun naayos."

° ° °

7:15 am na kami nakaalis sa condo ko. Ang bagal kasing kumilos ni Jae. Akalain mo yun tapos na ako sa mga ginagawa ko siya hindi pa. Kanina kumakain pa siya bago ako maligo tapos pagkabalik ko kumakain pa din siya. Hanep diba. Nung naliligo na siya, 10 years bago matapos isama mo na rin yung pipili ng susuotin na damit.

Hindi ko alam na may kasama pala akong turtle.

"Aze, nandito na tayo sa airport. Tama na yang kaka-day dream mo."

"Nahiya naman ako no. 7:37 am na Jae. Akala ko nga maiiwan na tayo ng eroplano dahil dyan sa kakuparan mong kumilos."

"Sorry naman Aze."

"Okay lang, sanay na ako sayo bes."

° ° °

"Anong oras ng byahe natin Aze?" tanong ni Jae sakin habang naghihintay kaming tawagin para makaalis na kami. Kakatapos lang kasi naming icheck yung kung ano ano dito sa aiport. Ang dami talagang ginagawa bago makaalis sa aiport.

"Atleast 3 hours."

"Ang tagal naman?"

"Gagi baka hongkong yun." sabi ko sakanya. Estimate ko lang naman yun kung ilang oras kami magb-byahe.

"Natawag na yung flight number natin. Tara na." aya niya. Bakit hindi ko narinig o sadyang maingay dito kaya ganun.

"Nasayo na yung boarding pass diba?"

"Oo nasa bulsa ko. Wag kang mag alala hindi yun mawawala kasi maingat ako." sabi niya habang papunta na kami sa assigned gate. Tapos binigay na naming dalawa yung boarding pass para makasakay na kami sa eroplano. Have a safe trip to us.

💐💐💐

Thefearlessb

Fansitenim | MingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon