Andrea's Pov
Pumasok ako sa kwarto namin ni Zach. Hays, parang feeling ko tatlo na ngayon ang inaalagaan ko. Biruin mo pare pareho silang tatlo ng ugali. Pati kasi yung tatay isip bata.
[Flashback]
"Mommy oh. Si dude kung ano ano na namang sinasabi saakin!" sigaw sakin ni Zio na nagmumula sa sala. Naiislang na sigaw nito dahil hindi sanay sa wikang tagalog.
"Mommy oh. Si dude kung ano ano na namang sinasabi saakin!" sigaw rin ni Zach sa akin. Ginaya lang nito ang pinagsasasabi ni Zio pati na rin ang paraan ng pagsalita nito.
Lumabas ako sa kitchen at nagtungo sa sala nakita kong sobrang kalat ng sala. Hinahabol ni Zio si Zach tapos tawa lang ng tawa si Zia habang pinapanuod ang mag-ama.
"Hmp! I'm tired " wika ni Zio saka siya umupo.
"Hmp! I'm tired" gaya ni Zach kay Zio saka umupo rin ito. Nagkatinginan ang mag-ama at saka sabay na umirap.
"Stop imitating me!" inis na wika ni Zio.
"Stop imitating me!" gaya ni Zach sa kanya. Agad tumayo si Zio at naghabulan na naman ang dalawa. Para silang aso't pusa kung mag-away.
[End of flashback]
Nakakapagod din silang suwayin dahil kahit sa pagtulog hindi nagpapaawat ang kakulitan nila.
[Flashback]
"Mimi, Dada, We're going to sleep here!" magiliw na wika ni Zia sa amin ni Zach. Hawak hawak ng dalawa ang mga unan nila at kumot.
"No! Go back to your room!" inis wika ni Zach.
"Why not? We're going to sleep here!" singhal ni Zio saka umirap.
"No!" bulyaw ni Zach saka lumapit sakin at yumakap.
"Why are you hugging my mommy!" sigaw ni Zio saka sumampa sa kama at pinagpapalo sa braso si Zach.
"Psh. Okay sleep here beside me!" napipilitang wika ni Zach.
"Yey!" pumwesto na si Zia sa tabi ni Zach.
"I want to sleep between you and mommy" wika ni Zio.
"No kiddo!" nakangising wika ni Zach.
"No! You might hug mommy again!" naiinis na wika nito.
"Choose. Sleep beside Zia or Sleep in your room alone?" nakangisi pa ring wika ni Zach.
"Fine! You win this time! " wika ni Zio saka umirap at tumabi kay Zia.
[End of flashback]
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakabalik tanaw.
Naalimpungatan ako ng hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko, unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nakayakap sa kanang gilid ko si Zach at nakayakap sa kaliwang bahagi ko ang kambal. Natutulog rin ang mga ito.
Napangiti ako. Pare-pareho nga sila. Pare-pareho silang makulit, Pare-pareho silang sakit sa ulo, Pare-pareho sila ng ugali, pare-pareho silang pasaway, pare-pareho silang malambing at higit sa lahat pare-pareho ko silang mahal.
-
Short update. 452 words
