Baliktaran

214 4 0
                                    

Tula collaboration with angdakilangtambay

***

Giliw isa kang bagyo.
Mabagsik, mapanira, isang asong walang amo.
Matabil na dilang walang sinasanto.
Matapang na isip na walang sinisino.

Kung ako ay bagyo, mapaminsalang delubyo
Isang ipo-ipo, dala'y malakas na hanging walang sinasanto.
Haplos mo lang sinta ko,
Ang sa akin ay magpapaamo.

Ako'y uhaw sa iyong dalang ulan.
Sa bawat patak ng iyong katas na nakadadarang
Sa bawat yapos mong tila bayo ng hangin na walang pakundangan.
Sabik sa labi mong gigil humalik sa aking laman.

Ang iyong dila na kasing talas ng sundang,
Hindi lamang sa mga salita,
kundi pati sa ginagawang paglasap sa makitid na siwang.
aking tapang sa katawan ay nalusaw na nang tuluyan,
Susuko na lamang sa nakakabaliw na tawag ng laman.

Sige pa ako'y iyong baliwin.
Sa iyong bibig ang aking kakisiga'y sikilin.
Kung iyong nais, ako'y bahagya pang kagatin.
Sige lang aking giliw: ngayong gabi ako'y sayo't ikaw ay akin.

Kahabaan mo ay aking susukatin, Mamasa-masang dila ito'y susuyurin.
Katas sa dulo'y sisipsipin.
Hanggang sa magdilim ang iyong paningin.

Giliw, halika na't mawala
Sa mata ng bagyong ating nilikha
Gamit ang ating bibig, mga ngipin at dila
Hayaang rumagasa't umagos ang mga natatago nating pagnanasa.

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon