You and I ♥

145 4 4
                                    

Penge favor, pa-LIKE at VOTE naman oh. hehehe ^^ Thank you po. Sana magustuhan nyo. First story at first time kong magpost dito sa Wattpad. :D Try nyo rin magpatugtog ng sweet music while reading this. :*

_ _ _

Part 1♥

Maganda, mayaman, mabait at higit sa lahat matalino. yan ang mga salitang nagpapakita sa katauhan ni Tiffany, ang nag-iisang anak nina Madam Yuri  at Mr. Kwon, may-ari ng isang pagawaan ng manika. Halos lahat na yata ng luho sa buhay ay mayroon na siya pero nanatili pa ring simple at mabait si Tiffany. Sa katunayan, sa isang public school siya nag-aral nung sya ay nasa kolehiyo pa lamang. Dahilan niya sa kanyang magulang kung bakit pinili nya ang ganoong klaseng paaralan ay dahil sawang-sawa na raw siya sa mga pribadong paaralan kung saan mga matapobre ang nag-aaral. Inakala ni Tiffany na kung dun siya mag-aaral e' makakahanap siya ng mga tunay na kaibigan. Ngunit siya ay nagkamali, dahil dun niya naranasang apihin at tuksuhin ng kanyang mga kaklase dahil inaakala nila na matapobre rin si Tiffany gaya ng iba.

"Sa public nag-aaral tapos blackberry ang phone!?. duh!!? nagmamayabang!"

"Oo nga, ang yabang! Nagmamaganda porket ba pinatahi raw niya yung uniform niya sa isang sikat daw na designer!"

"For sure, she only study here to get yabang in all of us! lets go! I want to ate, my stomache is hungry!"

Yan ang mga mapang-aping naririnig ni Tiffany, wrong grammar naman si ate! Kaya simula nun nag-iba na ng pananamit at gamit si Tiffany, para lang bumagay sa kanyang mga kaklase. Ang dating simpleng Tiffany ay mas lalong naging simple.

Habang nagrerecess...

 

"C'mon girls! nandito na si Tiffany, alam niyo na ang gagawin niyo" 

Pumunta sila kay Tiffany at tinapunan ng juice...

 

"Oh my gosh! im sorry Tiffany" 

"Ano ka ba!? bat ka magsosori dyan, eh marami namang pera yan!"

"Yeah! your correct! she have many money. she new dress buy!"

Hindi nakayanang lumaban ni Tiffany, pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak at sa halip inisip nya na lamang ana itoy isang hamon lang. Hindi sya nagsisisi na pumasok siya sa ganoong paaralan.

Naging malungkot nga ang buhay ni Tiffany sa paaralang iyon, siyempre, hindi rin nagtagal at nagkaroon din siya ng prince charming na magtatanggol sa kanya.

At yun ay walang iba kundi si Mark, ang mvp player ng liga ng skul nila. Anak siya ng isang simple at payak na pamilya. Ang kanyang ina na si Aling Doray ay isang tindera ng karne sa palengke habang ang kanyang ama naman na si Manong Eduardo ay isang drayber ng jeep.

Sa corridor ng campus...

 

"Ayy!", wika ni Tiffany 

"Sori miss, pasensya na talaga. sige, bye!", pagmamadali ni Mark

You and I ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon