Chapter 1
"Ngayong araw na 'to ikaw ang boyfriend ko at ako muna ang girlfriend mo ha?" pangungulit ko sa guy bff ko na si Renz Damian Lopez o mas kilala ng mga fangirls niya sa nickname niyang RD.
Well, we are not just BFF's but we almost shared everything except sa damit, toothbrush o anumang personal hygiene mas lalo naman yang iniisip mo! hmm.. aminin?! :-P
Kami kasi ni RD ay sa iisang apartment lang nakatira since taga probinsya kami pareho at dito kami sa Manila nag-aaral.
They are family friend of mine that's why we almost comfortable with each other.
Wait lang napakilala ko ba ang napaka-cute na Bff ni RD? Hindi pa noh? hahaha
Ako nga pala si Aia Zyln Mendoza, 17 years old, Business Administration student sa isang kilalang university dito sa Manila.
As I was saying nga, parehas nga kami ng school ni RD but we are not classmates! Simply because mas may utak siya sa akin. May balak mag-doctor kaya ayun nag-take siya ng course na BS Biology.
Saturday ngayon at napagtripan kong sumama sa kanila ng GF niya sa isang fun run. Ewan ko ba kung ano ang trip nung fun run na yun kasi para sa mga mag-bf at gf siya, at yung malilikom daw na pera ay para sa Yolanda Victim, hmmm... I doubt after nito madadagdagan na naman ang populasyon ng Pilipinas! hahaha
Kahit medyo asar kasi nga single ako at for sure na wala naman akong ka-partner eh nagpumilit pa rin akong sumama since wala akong kasama sa bahay namin. Syaka para mabantayan si RD! Mahirap na baka kung saan itakbo si Angeline! Ang anghel sa pangalan na GF niya pero chaka naman sa ugali! grrr... asar nga eh! Di ko alam kung ano ang nagustuhan ni RD sa babae na yun!
Angeline Torres ang name ng girlfriend niya. Isang certified maldita! Maganda nga, masama naman yung ugali! >:[
Pero sa kabutihang palad, di nakarating ang kaniyang GF kasi nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila, kaya ang nangyari kami ngayon ni RD ang magkasama sa fun run na 'to.
Kasalukuyan kaming nakapila para magpa-register at patuloy ko pa rin siyang kino-comfort slash kinukulit.
"O, ano na? Payag ka na kasi. Sayang naman ang pagpunta natin dito kung hindi naman tayo tutuloy, porket di nakarating si Angeline di na tayo tutuloy? Sayang din yung outfit ko, ganda pa naman ng bago kong biling rubber shoes, look oh.. color violet!" kumapit pa ko sa braso niya hwag lang siyang umalis sa pila.
"Tsk.. sige na nga! Pero sandali lang tayo ah! Di na natin tatapusin yung route, aalis din tayo. Gusto kong pumunta kila Angel eh!"
"Aye, aye captain!" nag-salute pa ko sa kanya.
He glare at me sabay sabi ng "Bakit ba kasi hindi ka pa mag-boyfriend? Eh di sana hindi ako ang kinukulit mo ngayon!"
"Eh kasi po, kapag nalalaman nilang sa iisang bahay lang tayo nakatira, di pa sila nag-uumpisang manligaw umaayaw na kasi akala nila boyfriend kita!" sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Teen FictionIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...