"Huy, Pia! Kanina ka pa tulala dyan."
"Niloloko ka lang nung matandang yun."
"Grabe ka naman Ten, talagang matanda? Tita mo yun e."
"Hindi ko nga siya tita. Family friend lang siya."
"Guys, tama naman pagkakaintindi ko diba? Sabi niya, may babalik daw na nag start ang name sa letter M. Nung tinanong ko kung si Miggy sabi niya hindi. So it means, si Mateo yun?"
"Assumera talaga 'to. Sila lang ba ang M sa buhay mo?"
"Hindi. Pero ang lakas din ng kutob ko."
"Ayy! Iba ka talaga friend."
--- Flashback ---
"Sino po yung babalik?"
Nakakaloko yung ngiti ni tita, "Nagsisimula sa letter M. Hmm. Yung matangkad."
Hindi ko alam kung si Mateo ba o si Miggy, but I'm hoping na sana si Mateo.
"Si Miggy po ba?" *Crossfingers* Pls., say no.
"Miggy..." Talagang nag-isip pa siya, "Hindi yun, isip bata yun e."
Waaa! It means si Mateo nga.
"Mga bandang April, May, June... mga ganun." Tumungo lang ako, pero deep down, naeexcite ako sa thought. "Pero ikaw, nasa sa iyo kung paano mo ihahandle yung pagbabalik niya."
--- End of Flashback ---
"Neexcite ako na kinakabahan. Pa'no niya nalaman yun? Ang galing."
"Syempre, hula lang. Tsumamba lang yun."
"Hopia ka talaga."
"Pero wala naman sigurong masama kung maniwala ako, diba?"
"Wala naman, pero baka kasi mag expect ka nang sobra, baka isipin mo mangyayari talaga, baka sa pagbabalik na niya mo itutok ang atensyon mo."
"Oo nga, baka araw-araw ka nalang magdaydream diyan. Ayaw namin ng kaibigang mannequin."
"Nakakatuwa lang, ang galing kasi. Pati yung nakaraan nakita niya. Pa'no kaya yun, no?"
"Malay mo kilala ka pala talaga niya. Baka pamangkin niya pala si Mateo. Magkasabwat silang pinapaasa ka."
"Baliw! Mga pinag-iisip mo. Sige, enough na of that hula. Mahirap umasa."
"See?"
"Oh, tara na."
Sephia's POV
Sobrang tagal na rin ang nakalipas, ilang tao na rin ang nagdaan, pero bakit sa t'wing nasa ganitong sitwasyon ako, siya lang ang hinahanap ko? Bakit siya lang yung gusto kong makausap? Bakit sa kanya pa rin ako bumabalik? Hays! Sobrang nakakamiss siyang kausap, yung mga words of wisdom niya. I miss everything about him and it's killing me that I couldn't do anything. :(
BINABASA MO ANG
Hula
Non-FictionNaniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mate...