Chapter 4

22 1 0
                                    

Message Request

Yz Zo

"Taba..."

"Taba mo na..."

Sheez! Ang bilis ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan o nagagalak 'to sa tuwa. Sabihin niyo nang assumera ako, pero sigurado akong siya 'to, si Mateo 'to.

Shocks! Kaninang madaling araw pa pala siya nagchat. Bakit kasi nakatulog ako kagabi kakanood ng Harry Potter? Bakit nakalimutan ko nang tignan yung phone ko? Ugh! Tinignan ko yung profile niya, scroll... Susme! Walang mahalungkat, halatang kagagawa lang. Yung profile picture niya pa medyo scary, isang maskman.

You accepted Yz'z request.

"???" Question marks muna. Syempre kunwari muna hindi ko alam.

Binitawan ko yung phone, kasi baka mamaya magreply siya tapos mareplyan ko siya kaagad, baka isipin niyang excited ako. Pero seryoso pag ganitong mga bakasyon, wala naman kasi akong ginagawa kaya cellphone lang hawak ko maghapon, kung hindi naman ay laptop o libro.

Close...

Open...

Close...

Open...

Sheez! What's happening to me? Mababaliw na ako kakaantay ng reply niya. Ano bang gagawin ko pampalipas ng oras? Nakakaloka.

"Haha. Taba taba."

Gosssh! Alas otso ako nag chat, ngayong 3: 50 lang siya nagreply? Yung totoo? Sobrang busy mo?

Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya naman nakapagreply kaagad ako ng sticker na chubby.

This time ang bilis na niyang magreply. "Mateo to. Hahah."

"Alam ko. Lol!" Sheez! Sephia ano ka ba? Halata ka masyado. Pls., onting pagpipigil!

"Pano mo alam?"

E kasi ikaw lang naman tumatawag at nagsasabi sa'kin ng taba e. Ito ang gusto kong sabihin sa kanya, pero syempre onting pabebe. "Jk lang di ko alam. Jeje!" Sus! Maniwala kaya yan sa'yo?

"Kala ko nakita mo sa birthdate. Haha."

"Ayy! Di ko chinek. Hehe!" Seryoso? Hindi ko na rin naman na kelangan tignan, alam kong ikaw 'to. Whahaha!

"Dummy account 'to."

"Mukha naman. Dumie e. LOL!" Okay! Alam kong hindi patok yung banat ko. Whaha!

"Yabang neto, walang pinagbago."

"Hala! Grabe ka!"

"Kumusta na?"
"Nag dummy ako kasi alam mo na. Hahah!"
"Eh gusto ko lang mangamusta."

"Mabuti naman. Ikaw?

"Mahigpit e."

"Si Terrence Mateo to?"

"Okay lang din naman."
"Oo ako nga."
"Bakit marami ka ng nakilalang Mateo? Grabe ha!"
"Grabehan."

"Loko. Kala ko si Mateo Doo. Hahahahahah!"

"Haha. Natawa ako."
"Loko."
"Walang sumbungan ha? Haha!"
"Nangamusta lang ako. :)"

"As if naman. Jeje!" Susme Mateo! As if namang nakakausap ko si Luiza, ano?

"Thanks :)" Uy!!! Natatakot na ako sa smileys mo ha. LOL!
"Namumundok ka na rin pala?"
"Saan yan?"

Oh, my! Vinisit niya yung profile ko. HAHAH! Keleg. At ayun na nga, usapang bundok na kami. Ang saya sa feeling na ang bilis magreply ng kausap mo. Hahah! Kelan kaya ulit kami magkakachat? Bukas? The day after tomorrow? Or never na ulit? Oh! Pls., wag naman po!

---

Bakit ganun sila no? Papasayahin ka, tapos kung kailan masaya ka na, bigla ka namang iiwanan. Ilang weeks na rin ang lumipas, hindi na kami nagkakachat ni Mateo. Hindi ko alam kung ano na'ng balita sa kanya. Kumusta na kaya siya?

Ayoko naman siyang ichat. Don't get me wrong, alam kong walang masama kung unang mag chat yung babae, hindi ko lang talaga ugaling unang nagchachat. Siguro takot akong maseen. Lalo pa't si Mateo yun. Feeling ko ang sakit kapag sineen niya lang ako.

Hays! Malapit na birthday ko. Naaalala niya pa kaya? Ikakain ko na nga lang 'tong nararamdaman ko.

HulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon