Akin Ka Lang

17 0 0
                                    

Bagong estudyante lamang si Hiro sa isang sikat na unibersidad sa Pilipinas.Wala siyang kakilala ni isa dahil nga siya ay bago lamang. Bukod pa sa bago lamang siya, ito ay dahil iba din ang itsura o pananamit niya hindi tulad ng sa ibang estudyante.Nakasuot siya ng makapal na salamin na parang pang nerd , parang pang lumang panahon ang kaniyang panananamit gaya ng jumper na istilo ng pantalon at mahahabang manggas na checkered na pang itaas, at gupit ay parang kay Gat. Jose Rizal.Baduy pumorma kung susumahin.

Sa kaniyang unang araw sa bagong unibersidad na pinasukan, tinatahak niya ang mahabang pasilyo papunta sa locker room upang ilagay ang ilang mga librong hindi niya kakailanganin para sa unang klase niya. Sa sobrang kabado dahil madaming matang tila inaabangan ang bawat pag galaw at paghinga niya bago isa isang naglaho upang pumasok sa kani-kanilang klase, hindi niya namalayan ang isang dalagang nag-aayos ng gamit sa kaniyang sariling locker at nabangga niya ito ng hindi sinasadya.

"Hala miss!Sorry! It was an accident---" kabadong paghingi ng binata ng tawad sa dalagang nakabangga. "Okay lang.Ano ka ba? Hahaha kabado bente eh," nakangising tugon naman ng dalaga. Tinulungan ng binata na damputin ang mga gamit ng dalaga na nagkalat sa sahig. "Sige salamat ah!Teka bago ka ba dito?" Mabilis na tumango si Hiro at tila nahihiya pa. "Ako nga pala si Irish, Irish Cortez," pagpapakilala ni Irish kay Hiro at inabot ang kamay. "Hiro, Hiroshi Akira." Matipid na ngiti ang iginanti ni Hiro bago abutin ang kamay ng dalaga at nakipag kamay. "Half filipino half japanese?" Tumangong muli si Hiro. "Cool! By the way nice to meet you!But I gotta go now~ Ciao!"

Hindi maipaliwanag ni Hiro ang kaniyang nararamdaman para sa dalaga.Unang kita palang dito ay iba na agad ang naramdaman niya. Maganda ito, napakaputi at napaka flawless ng balat, elegante manamit pero simple at malakas ang dating, maganda rin ang hubog ng katawan, mahaba at sobrang itim din ng buhok nito at mukha pang matalino.

Matapos ang ilang araw, mas naging malapit sa isa't-isa sina Hiro at Irish.Sabay na kumakain sa isang tahimik na parte sa kanilang unibersidad, sabay na nag-aaral, lumalabas labas na din sila, at minsan ay tumatambay pa si Irish sa condominium unit ni Hiro.Hanggang sa nagka aminan sila ng nararamdaman para sa isa't-isa at niligawan na nga ni Hiro si Irish.Hindi rin naman nagtagal at sinagot siya ni Irish.

Ngunit dumaan ang buwan ng Pebrero at balak sana niyang sorpresahin ang dalaga subalit hindi niya ito mahagilap kung nasaan. "Nasaan ka na ba Rish?" malungkot at nanlulumong bulong ni Hiro sa sarili.

Lumipas pa ang panahon at taon na ang nagdaan, nagbago na si Hiro. Iba na siya manamit at marami na din ang nagkakagusto sa kaniyang mga babae. "Hi Hiro! Ang gwapo mo!" at kung ano ano pang papuri ang natatanggap niya araw araw at oras oras mula sa kaniyang mga taga hanga.Kasabay ng paglipas ng panahon ang paglipas din ng nararamdaman niya para kay Irish. May iba na siyang minamahal ngayon at si Dana Chua na iyon.

Pero sa hindi niya inaasahan ang pagbabalik ng kaniyang unang babaeng pinakamamahal na si Irish. Lagi itong nakasunod sa kaniya sa kahit saan man siya magpunta.Pilit niya itong iniiwasan ngunit hindi pa rin ito tumitigil. Isang araw habang kumakain ng tahimik si Hiro at Dana, nahagip ni Hiro ang pamilyar na pigura ng isang babae mula sa malayo.Papalapit ito ng papalapit sa kaniya. "Hi Hiro ng buhay ko.Kamusta na? Nawala lang ako may iba ka na?" Sabi ni Irish ng makalapit.Ipinagtataka ni Hiro kung bakit hindi man lang napansin ni Dana si Irish.Agad na hindi mapakali si Hiro at naramdaman iyon ni Dana.

"Hiro okay ka lang ba?" Tanong ni Dana.

"O-okay lang ako."

"Anong problema ba?" pangungulit ni Dana.

"Wala.Wala lang to."

"Hiro napapansin kong nag-iba ka na ngayon.Parang may something eh! Parang iniiwasan mo na ako palagi.Ganiyan lagi mga sinasagot mo sa akin!" Padabog na tumayo si Dana sa sariling inuupuan.Napangisi naman si Irish sa inasal ni Dana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akin Ka Lang (one shot)Where stories live. Discover now