"Yung hula? Umaasa ka pa rin dun sa hula? Wake up!"
"Oo. Nagparamdam siya sa'yo nung April, ilang araw lang ba 'yun? Ilang weeks na ngayon na wala siyang paramdam? Birthday mo na nga oh! Ni hi ni ho wala. Ni batiin ka man lang wala, tapos umaasa ka pa?"
"Tigilan mo na yang sa hula na yan. Celebrate nalang natin tong araw na 'to nang masaya."
"Kayo ba guys hindi kayo aasa kung halimbawa yung kahit ilan lang sa hula sa inyo e biglang nangyari? Nagkatotoo naman?"
"Depende. But if I were you, hanggang dun nalang yun. Hindi na healthy e."
"Yeah. Hanggang dun nalang. Thanks kasi nagparamdam. Then bye kasi wala na. Simple as that."
"Pia, alam naming nasasabi lang namin 'to kasi we're not in your position. Actually, we do not know what to do, too. Ang amin lang ngayon, e sana i-enjoy mo 'tong day mo. Sinurprise ka pa naman namin ng Baymax cupcakes na 'to."
"Naiintindihan ko naman kayo guys. Alam kong you just want the best for me. Hayaan niyo nalang muna akong mag ilusyon. Mapapagod din ako. And I know, one day gigising nalang ako na wala na. Wala na yung pag asa ko sa kanya. Thanks guys!"
---
Pauwi na ako from work at dala dala ko 'tong cupcakes na regalo nina Kirsten at Kasey. Naglalakad ako nang biglang magtama ang mga mata namin. Small world! Teka, anong small world? E sa liit ng lugar na 'to talagang hindi maiiwasang magkita kami. Duh! Feeling ko na naman destiny!!! Ahhh!
Hindi ko alam anong nangyari sa akin at bigla nalang akong napatakip ng panyo ko sa bibig! Gulat na gulat ako. Hahah! Sobra akong nagulat na parang slow motion pa yung pagkakatakip ko ng bibig. Hindi ko alam, nahiya ba ako? Ano kayang itsura ko nung nakita niya ako? Hahah! Pero ngumiti naman siya e, ibig sabihin nun e okay kami. Pero bakit hindi niya na kaya ako chinat?
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nauna na akong maglakad. Hindi ko alam kung nasa likod ko ba siya o lumiko na siya sa ibang daan. Anong gagawin ko kapag sinabayan niya ako sa paglalakad at kinausap? Oh, my! Yan na naman ang imahinasyon ko. Ano ka ba Sephia? Hindi ka niya sasabayan. Wag ka nang umasa diyan. Malamang lumiko na yun. Titingin ba ako sa likod? O magpapanggap nalang akong wala lang yung pagkikita namin? Magpapanggap ba akong hindi ako naghihintay ng chat niya? Magpapanggap ba akong hindi ko siya namimiss? Gosh! Sobrang mapagpanggap na ako. Pati ba naman sarili ko niloloko ko na? Hays!
1 new message
"Bat ka ngumiti?" Shocks! Nakakamiss makita kang muli sa screen ng phone ko. Pero nasasaktan pa rin ako. Nakakainis ka kasi e, ang tagal mong hindi nagparamdam. Paano kaya kung hindi tayo nagkita? E di hindi mo na talaga ako ichachat?
"Hindi ako ngumiti. Nagulat ako."
"We? Nakita kita napangiti kaya natawa ako."
"Deny pa oh."
"Nagulat ka kasi ampanget ko. Hahaha! Wala pang ligo kanina.""Sige na nga. Natawa lang ako. Iba yun sa ngiti."
"Luh."
"Yung tawa may haha."
"Hindi kaya. Ako nga yun e. Ang itim ko." Pogi ka pa rin. HAHAHA!"Pero swear nagulat din ako kasi nagpaload ako then paglingon ko."
"Slow motion. Hahahaha!""Oo nga! Grabe!!!"
"Para yung mga videos sa FB."
"Letse. Whahahaha!"
"Oh ang isang katulad mo ay di na dapat pang pakawalan."
"Yung mga ganyang background music. Hahaha!""Wala e. Pinakawalan kita." Ang tanga ko kasi noon Mateo e. Hindi ako nakuntento. I looked for more. Pero bata pa rin kasi tayo nun, tanga pa ako.
"Kinilig pa ko. Tae ka."
"Pagkita ko sayo."
"Hahahahaha.""Loko."
"Totoo pala talaga yung slow motion. Hahahahahah."
"Now I know."
"Yung hindi scripted ha."
"Pag pina review ko yung CCTV may slow motion talaga. Hahahah!""Hahahah! Pinapatawa mo ako! Buset." Natatawa ba ako? O sadyang kinikilig lang ako sa mga sinasabi niya?
"Sorry daldal ko. Namiss kita e!" Waaa! For real? Nagsend lang ako ng sticker.
"Ano yung dala mo nga kanina?""Ako rin..." Goshhh! Bakit mo sinabi Sephia? Waaa! Feeling ko katapusan ko na. Pero sorry, di ko talaga mapigilang hindi sabihin sa kanya. Yun naman kasi yung totoo, miss ko na siya... sobra!
"Cake ata yun?"
"Yeee namiss nya ko."Oo, hayp ka e, bigla ka nalang nawala!"Cupcakesss :D :D :D"
"Oo naman, Sobra!" Hindi ko alam kung tama ba ito. Alam kong may Luiza na siya, pero hindi ko lang talaga kaya, parang sasabog itong nasa dibdib ko kapag itinago ko."Hahahah!"
"Alin dun?"
"Yung sobra?" Sus! Pakeme ka pa."Miss?"
"Oo."
"Pero seryoso nagulat ako sobra nung paglingon ko parang feeling ko flashback. Hahahah!" Ako rin Mateo. Ako rin."Sheeet!" Gusto ko talaga magtatatalon kanina pa sa sobrang kilig. Sorry na.
"Hahaha!"
"Flashback putspa!""Ako natawa talaga. Bwahaha! Parang kahapon lang. Lol!"
"Para akong bumalik sa nakaraan yung medyo Malabo yung paligid."
"Imagine mo? Hahahah!"
"Loko ka kasi bat ka pa dumaan dun. Hanggang pag uwi ko nakangiti ako."
"Bwisit 'to. Dahil sayo napasoundtrip ako pag uwi ng slow motion. Saka yung kaninang kanta."Oh, please! Pinch me and tell me I am not dreaming. Totoo ba 'tong mga sinasabi niya?
"Anong kanta?"
"Ako nangatog e. Buset!""Iba pa rin talaga yun no?"
"Yan ba yung title ng kanta?"
"Di. Baliw."
"Sabi ko, iba pa rin yung ganun. Biglaan."
"Tulad mo yung title.""Sobra!"
"Yep. Sobra talaga."
"Parang feeling ko mahal pa rin kita."
"Hahahahaha!"T_T Please, wag naman ganyan? May Luiza ka na. Baka umasa akong totoo yan.
"Pachu."
"Pachu."
"Hahahahaha! Sabay pa, pustpa!""Wag mo naman akong paiyakin." Please, wag mo akong paiyakin sa saya. Wag mo akong paiyakin dahil hindi naman pala totoo.
"Pakinggan mo yung kanta ha?"
"O sorry na. Hahah!"
"Napaluha naman din ako kanina e."
"Putspa! Lakas makathrowback satin ng pangyayari. Anyare? Hahahah!""Napaluha? Hays." Di ko alam kung dapat ba akong maniwala. Hindi ko alam kung totoo pa ba mga sinasabi mo o sobrang naeexcite lang tayong kausapin ang isa't isa.
"Napaluha."
"Yung may tumulo sa mata."
"Gets? Hahahah!"
"Pachu ka pa rin. Lakas mo.""Baka naman natural lang."
"Lakas. Di kasi ako weak." Sige Sephia, kunwari di ka interesado."Parang feeling ko kelangan ko na namang mag move on."
"Hayp!""Mateo wag naman."
"Wag naman mag joke." Pero ang gusto ko talagang sabihin ay, "Mateo wag naman. Wag ka namang mag move on ulit at hindi na magparamdam. Ang saya ko na ulit oh. Kahit ganito lang. Panandalian lang ba ulit ito? Pinapasaya mo ako ng sobra sobra and at the same time, dinudurog mo rin ako. :(
BINABASA MO ANG
Hula
Non-FictionNaniniwala pa rin si Pia na one day, magkakatotoo yung hula sa kanya ng matandang babae. Umaasa pa rin siyang babalikan siya nung unang lalaking minahal niya ngunit iniwan niya sa ere. Yes, siya ang nang-iwan pero ang lakas ng ilusyon niyang si Mate...