What happened to us? (One|shot)

86.4K 4.3K 3.1K
                                    

Napakalamig ng paligid, parang uulan. Naglalakad ako sa kalsadang tatlong taon ko nang hindi nadadaanan. Sinong mag-aakala na nang dahil sa konkretong daan nato maaalala ko na naman siya. Sinong mag-aakala na matapos ang tatlong taon eh naalala ko na parin siya. Lintik na first love nga naman.

Naalala ko pa, sa konkretong daanang to una niyang hinawakan ang kamay ko. I was seventeen and yes I had butterflies in my stomach. Kilig. Sobrang kilig. Hawak-kamay kaming naglalakad, kapwa may ngiti sa mga labi at masaya. Pero sa konkretong daanang to din niya binitawan ang kamay ko. Tangina....

Nadaanan ko ang paborito naming coffee shop. Dito kami parati ng mga kaklase namin kapag gumagawa kami ng thesis at assignments. Sabi nila ang bahay ang unang tahanan, pangalawa ang skwelahan well para sa akin, ang coffee shop nato ang pangatlo.

"Becca?" Nagulat ako nang may marinig akong pamilyar na boses sa likuran ko. Matapos ang tatlong taon naramdaman ko na naman ulit to... Saya, saya na may halong kaba at sakit... 

Lumingon ako sa kanya, matapos ang tatlong taon nasilayan ko na ulit ang mukha niya. Gaya ng dati andyan parin ang mala-anghel niyang ngiting nakakagaan ng damdamin. That smile made me fall for him....

"K-kairo...Its been awhile" I said with all my might trying to stop my voice from cracking and Trying hard not to let a tear fall from my eyes.

"Three years..." Nilagay niya sa loob ng bulsa ang isa niyang kamay. "The last time I saw you, it was  graduation day. Kamusta ka na?" He added

I faked smile to hide the pain. "Its good. Been working three years sa isang firm sa manila. Umuwi lang ako dito saglit kasi nami-miss ko ang family ko."

"You know what? Three years is too long. We need to catch-up, lets get some coffee?" He offered and opened the door for me.

I was hesitant to get a coffee with him.

Kapag pumasok ako sa coffee shop na yan baka mas lalo lang akong masaktan kasi once again makakapasok na naman siya sa buhay ko. For the past three years I tried hard to forget him but unfortunately I keep on forgetting to forget about him... 

"Rebecca nangangalay na ang kamay ko, pasok na!" Para siyang bata. Itinulak niya ako papasok ng coffee shop, wala na akong magawa kundi umupo nalang sa dati naming nakasanayang pwesto.

- - - - - - - -

Failing to fully forget your ex is bad but going to a coffee shop full of your memories is worse... I am such a moron.

"Akala ko talaga hanggang ngayon galit ka parin sa akin" Nakangiti niyang saad na para bang nabunutan ng tinik. Dumating ang inorder naming kape at agad niya itong ininom.

"Bakit? Sinong nagsabing hindi na ako galit sayo?" Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko, siguro nga i really just needed to say that ngunit nang dahil dun ay nabuga niya ang kapeng iniinom niya kayat dali-dali kong binawi ang sinabi ko. "Joke lang, ikaw naman OA" I said while faking a smile.

What happened to us? (One|shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon