Hello guys! *kaway kaway* sana magustuhan nyo po ang 1 shot story ko! enjoy reading nalang po!
-AngDakilangAuthor <3
---------------
*No prolouge*
Jane's POV*
*kriiiiiiiiiiiiinnnnnnggggg!!!!!!!*
napadilat naman ako ng walang oras sa alarm clock ko, ang aga-aga ang ingay! ang sarap pa naman ng panaginip ko! langya tong alarm clock ko! (>_<)
tinignan ko ang alarm clock ko kung anong oras na, 7:25..wait 7:25?! gosh late nako! agad naman akong bumangon at gumawa na sa daily routine ko..
----
*school*
binilisan kong maglakad papuntang room eh kasi naman late na late na talaga ako! malapit lang naman ang eskwelahan namin eh pero dahil tamad akong gumising ng maaga, eto late na ko.
binilisan ko na ang paglakad pero nakita ko si james my ultimate crush! yun bang makita mo yung crush mo tapos biglang mag slowmo yung paligid pati na yung paglalakad mo, grabe relate na relate talaga ako! kahit nakatalikod siya sa akin nag slowmo yung paligid! pati na ang sasakyan! isama narin si lola kahit slow na siya mas lalong slow! sumunod lang ako kay james my oh so duper crush eh kasi naman classmate ko siya tsaka di ako magpapahalata no na sinusundan ko siya, kung nahahalata naman niya, magrarason din ako hehe ^^V
nakarating narin kami ni james sa classroom namin at nga naman oh.. 8:00 na kami nakakapasok?!
magbibigay nalang ako ng dahilan ni Maam kahit ang terror nun, para kay james, para narin sa akin. Sa sobra kong pagpapantasya sa kanya, sobrang late na rin kami.
"Goodmorning maam.." Waaahh sabay pa kami ni james nun ah! nakakakilig (^///^) oo mga readers, madali lang akong kikiligin..
.
"Anong maganda sa morning Aber?!" wow grabe nakakatakot talaga ang aura ni maam! isama mo pa yung mga classmate mo na sobrang tahimik, pinapagalitan siguro. patay kami ni james ngayon..
"Na nakita namin ang napakahaliparot--- ay ang napakagandang mukha mo maam.." naku ano ba yang klaseng Rason mo Jane sa pagpapalusot mo?! muntik ka pang madulas! Waaaah sana di niya yun narinig. (>0<)
"Anong haliparot?! Ikaw pa nga yung late ako pa yung haliparot?! Anong gusto mo Guidance or detention slip?!" kulang nalang magbubuga si maam ng mainit na apoy sa mukha ko! takte naman kasi yang palusot na yan eh! james! kelangan ko ng resbak mo dali!
"Eh maam totoo naman eh.." nakakamot pa siya sa batok niya habang sinabi niya yun, grabe ang gwapo mo james! wapak! magkampi kami! yehey ang saya ko ng walang oras!
"Ano?! totoo nga akong haliparot?! Isa ka na rin ah! kung terror ako sa inyo haliparot na agad?! at dahil diyan IDEDETENTION KO KAYO!" binigyan niya kami ng detention slip at sinarhan kami ng pinto langya! akala niya bahay niya to tapos siningilan ko siya ng utang! kong makapagsara halos Masira na yung pintuan kainis! pero hindi rin lang naman lahat nakakainis, Yun bang kasama yung crush mo sa pagkakadetention mo? okey na rin yun kahit papano.
Pagkapunta namin sa detention room, binigay na rin namin ang detention slip kay manong guard, at meron pa siyang sinabi samin ah.. "Kayong mag boyfriend kung mag PDA kayo, wag sa Detention room ah, nakakahiya naman sa inyo.." mas lalong na A-awkward yung atmosphere namin, medyo namumula narin yung mukha ko, nakakahiya! (>///////<)
"Manong guard! di kami magbo-boyfriend no! DM mo naman!" ayan tuloy, pulang-pula na talaga yung mukha ko, at yung katabi ko naman, yung ngiti niya abot hanggang langit, pinapainlab mo talaga ako james ng bonggang bongga! (>//////<)
BINABASA MO ANG
Detention Hours (one shot)
RomanceNaranasan nyo na bang ma de-detention kasama ang iyong super duper ultimate crush?! kung hindi, basahin nyo nalang para magkaka ideya kayo at kung oo, hala basahin nyo narin para makakarelate kayo haha! XD