January 7, 2013

159 1 3
                                    

Hindi ko alam kung anong meron sakin ngayon. Hindi ko alam kung nawawala na ba ang pagiging fangirl ko o wala lang ako sa mood magfangirl. Minsan kasi, masasabi mo na "Nakakasawa na." Hindi naman maiiwasan yon. Hindi lang sa pagiging fangirl. Kahit naman sa ibang bagay.

New year. But same routine. Bago umuwi sa bahay, kakain muna kami o kaya naman ay bibili na lang kung nagmamadali. Ngayon, bumili na lang kami. Hindi ko kasi feel na kumain somewhere. Bumili kami ng drinks. Pagkabili namin, naglakad na kami. Sa España gate kami lalabas. Yung malapit sa engineering building. Kapag nasa tapat na ng engineering building, hindi na kami sa sidewalk naglalakad. Sa parking na ng QPav. Don kami naglalakad kasi nakasanayan na. Hoping na baka andon yung kotse ni Kevin Ferrer. Pag andon kasi yung kotse niya, malamang nasa UST din siya. Pero ngayong araw na to, dumaan lang kami sa parking ng QPav kasi nakasanayan na. Yung tipong parang di kumpleto araw ko kapag hindi ako don dumaan pauwi. Hindi ako ganon ka"hopia" ngayon na makikita ko si Kevin Ferrer o kahit yung kotse man lang niya. Ako kasi yung tipo ng fangirl na okay na saking yung kahit kotse niya lang yung makita ko. At least, alam ko na andon siya. Malapit na kami sa dulo ng parking. Nakakita ako ng isang familiar na kotse. Medyo binilisan ko ang lakad ko. Tinignan ko ng mabuti yung kotse. Sabi ng kasama ko, "Ayan nga yung kotse niya." Huli kong tinignan yung plate number ng kotse. "Ay sh*t. Oo nga." sabi ko. Wala na akong nasabing iba. Na-excite ako. Katabi pa nga ng kotse ni Ferrer yung kotse ni Lo. Pero di na din kami nagtagal. Nagyaya na akong umuwi. Pero dati, magsstay pa kami sa QPav o kaya naman sa bench sa tapat ng engineering building para abangan si Ferrer. Wala lang siguro ako sa mood ngayon. Tumingin ako sa likod ko.

May nakita ako.

Lalaki.

Matangkad.

Taga UST.

Commerce student.

Basketball player.

Si Eduardo Daquioag.

Nagdalawang isip pa kami kung magpapapicture kami. Pero ako, ayoko. Yung kasama ko yung may gusto. Since ako naman yung kukuha ng picture nila, ayoko pa din. Nahihiya ako. Wala akong lakas ng loob. So dahil ayoko, ayaw na din ng kasama ko. Usually, kapag may nakikita akong basketball player ng UST, hinahayaan ko na lang. Hindi ako nagpapapicture. Nahihiya ako. Unless si Ferrer yung nakita ko. Parang nawawala lahat ng hiya ko sa pagkatao ko kapag nakikita ko siya. Go! Papicture! Hahaha. Pero syempre, andon pa din yung masstarstruck ka everytime makikita mo sila. Naglakad na kami palabas ng España gate. Pero bago kami makalabas, huling tingin sa likod. Wala talaga.

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Diary of a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon