Sa buhay natin meron tayong mga bagay na pinagsisisihan.
Hindi man ito kahapon o ngayon, malay mo bukas magsisisi
ka.
Alam ko naranasan mo nang masaktan.
Alam ko minsan naranasan mo nang magalit.
Alam ko rin naranasan mo nang ayaw magpatawad.
Ngunit alam ko minsan sa buhay natin pasisisihan natin ito.
Bigyan nyo ako ng pagkakataong ibahagi sa inyo ang aking
karanasan. Bigyan nyo ako ng karapatang pasukin at tibagin
ang puso nyo na naging bato.
"Minsan isang araw sa buhay ko, pinili ko ang magalit sa aking
ina.
Tinaboy nya kasi ako, tinuring na hindi nya na anak at
kinalimutan; yon ang sabi nya.
Kaya ako naman pinili ko narin ang mga bagay na gusto nya.
Inisip ko na wala na sya, inisip ko na wala na akong ina.
Inisip ko na galit na galit ako sa kanya.
Nabuhay at lumaki kasi ako na wala sya sa tabi ko, kaya
siguro madali nalang sa akin ang mga bagay na yon.
Ang ginawa ko, lumayo ako sa kanya; sa pamilya ko.
Naghanap ako ng trabaho, naghirap, nag-aral at nangarap.
Sa lahat ng nagawa ko sa buhay masasabi kong kaya ko na
pala.
Kaya ko palang wala sya.
Kaya ko palang ibaliwala sya.
Ngunit makalipas ang isang taong pagkakalayo ko sa aking
ina, nabalitaan kong umalis na sya.
Lumayo sya at nagtrabaho sa ibang bansa.
Sabi nang kapatid ko umalis daw sya at nagtrabaho doon para
daw sa amin, para daw sa akin, para daw sa mga pangarap
ko na hindi nya kayang ibigay sa akin kung nandito lang sya
sa pilipinas.
Isang araw nga, dumating yong pagkakataong humingi sya sa
akin ng tawad, patawarin ko daw sya sa nagawa nya, sa
nasabi nya at sa lahat lahat na pagkakamali nya.
Inaamin ko lumambot ang puso ko sa mga oras na iyon.
Nakuha ko pa ngang umiyak sa harap ng computer.
Nag facebook chat kasi kami noon.
Kung gusto nyo malaman at mabasa ang pag uusap namin;
bisitahin nyo nalang ang profile ko.
Search nyo: Lenram erallim
Pagkatapos noon, hindi ko pa sya nakuhang patawarin.
Nag mamatigas ako, nagpapakabato at hindi ko pinakinggan
ang mga sinasabi nya.
Naging bato ang puso ko.
Lumipas ang mga oras, araw at buwan, patagal ng patagal,
palala ng palala ang nararamdaman kong pangungulila.