Ikaw Lamang (Tula)

676 1 0
                                    

Ika'y bituing marikit at maningning,

Na tila bumihag sa aking paningin, 

Ang aking isipan ay biglang nagising,

Damdami'y bumubulusok at iyong inangkin.

Araw-araw, ika'y aking nakikita,

Kapag nariyan ka, puso ko'y masaya,

Ika'y nag-iisa wala nang iba pa,

Laman ng pusong ikaw ang sinisinta.

Hindi ko alam kung bakit ba ganito,

Sobra yata ang pinana ni Kupido,

Bait at talino, lahat na nasa iyo,

Lahat ng ito bumihag sa aking puso.

Hindi ko alam kung pano sasabihin,

Damdamin kong tunay iyo sanang dinggin,

Ang tula kong ito ay para sa iyo,

Gawang tunay na galing sa aking puso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw Lamang (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon