Bestfriend's Story (It's Not You, It's Me)
- Henre Oby
9 Things to Remember:
1.) Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang.
2.) Huwag magbasa sa oras ng klase. Intayin na magkaroon ng free time para magbasa.
3.) Huwag kalimutang kumain. Ayoko pumayat ka dahil dito.
4.) Huwag mag lamay, in short 24/7 magbasa. Baka dumami tigyawat mo dahil sa puyat.
5.) Magmumog muna bago magbasa pagkagising sa umaga.
6.) Bago magbasa siguraduhing natapos na lahat ng school assignments. Mahirap mag rush hour.
7.) Kapag nagbabasa, maging responsable kapag inutasan ng biglaan ng kahit na sino.
8.) Huwag kalimutang magsimba kung sa linggo ka magbabasa.
9.) Enjoy lang at paganahin ang malikot mong isipan habang nagbabasa. Para lubos na maintindihan ang kwento.
All Right Reserved 2014
******************************************************************************************
I.
Do you believe in ghosts ?
Naranasan mo na bang maging kaluluwa?
O' naranasan mo ng magkaroon ng bestfriend na isang ...........
MULTO?
And by the way, ako nga pala si Jays Rodriquez. Isa akong college student sa isang University sa Manila, and I'm taking up IT, mahirap daw na course ito sabi ng mga past classmates ko noong 4th year pero sabi ko, ok lang kasi pera naman ang goal ko sa course na ito, at isa pa mahilig din naman ako sa computer simula pa nung bata ako. Kaya may background na ako tungkol dito, hindi narin ako mahihirapan. At bukod pa doon .......
******************************************************************************************
BEST! BEST! Ooops tinatawag na ako ng girlFriend ko este Bestfriend pala.. At si Trish Bautista yung best friend ko.
Mahigit 3 years ko na siyang bestfriend since 2nd year high school pa lang kami.. para ko na siyang tunay na girlfriend. Siya yung lagi kong kasama sa lahat ng oras, katulong ko rin sa paggawa ng school works and assignments. Masuwerte ako at nandyan siya. At ngayun College na kami mas lubos naming tutulungan ang isa't isa. Pinagplanuhan talaga namin ang pagpasok sa iisang university at iisang course din. Best Friend forever eh.
Oo nga pala hindi ko nasabi.. bago ko siya naging best friend, umamin muna ako sa kanya na gusto ko siya.
yun nga lang.. sinabi niya na hindi pa siya ready sa ngayon, mag aaral daw muna siya. Hindi ko alam kung anung pumasok sa isip ko, bakit ko nagawang sabihin yun dati.
Sabi niya gusto niya raw ng bestfriend, so ako na yun.. at yun nga best friend ko na siya.
Hindi naman naging masama ang desisyon ko na i-push ang pagpayag na maging bestfriend niya ako, ito narin kasi ang naiisip kong way, Hindi man kami. At least Bestfriend ko siya at lage ko siyang makakasama. Edi ! para ko na rin siyang totoong girlfriend!. Kada araw iba ibang experience ang nararanasan namin at habang tumatagal lalo pa naming nakikilala ang isa't isa. Pero hindi parin maaalis ang goal ko, ang maging tunay at ganap ko siyang girlfriend.
Siguro kailangan pa ng tamang time para dito, all I really need is to take care of our friendship, kasi para sakin ito ang pundasyon at puhunan ko para ma-reach ko yung goal ko. Kapag nawala ito, hindi ko alam ang gagawin ko, yung mararamdaman ko at yung mangyayari sakin kung sakaling magkahiwalay kami.