Hi Wattpad Reader's ! ^_^
First time ko po gumawa ng Short Story. Actually project ko siya sa Filipino. :)
Thanks sa teacher namin sa Filipino na si Mrs. Michele Orpelata ! :) Kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakagawa ng short story.. ^_^
Yiiiiiiiiiiieeeeeeeee! Sa wakas may napublished na din sa wattpad.. :D
Free po mag comment ng lait kasi first timer ako ehh.. :)
Enjoy my little cool but also baduy short story ! ;)
- Ms. Author :)
“Hoy Janne! Gising na! Tanghali ka na naman.”
Grabe! Ang alarm clock ko tumutunog na. Yan si mama ang araw-araw nakaset na human alarm clock ko.
“Eto na po.. Sandali lang.”
Susme! Ang dami kong ginawang project kagabi. Sa sobrang dami, inabot na ako ng alas dos ng gabi. Eh pano ba naman kasi….. JS NA NEXT WEEK! ^_^ Excited na naman ang mga kababaihan. Pero ang mga teacher, dahil malapit na matapos ang school year, magpapagawa na at magpapapasa na ng mga activities at projects. Syempre naman. Gusto ko kaagad matapos kaagad toh para mahaba ang preparasyon ko para sa JS. Wala pa kaya akong susuotin. Ni-wala pa nga akong kapareha ehh..
“Hoy Janne! Tulala ka na naman! Malelate ka na oh..”
Ayy! Hindi ko namalayan nakatulala na ako sa harap ng pagkain. Jusme naman oh..
Nang makarating ako sa room, ayun sobrang ingay. Grabe! Isang linggo pa yung hihintayin JS kaagad mga nasa utak ng mga kaklase ko. Mga Excited?!
Teka nga lang, hindi ko pa pala pinapakilala yung sarili ko. Ako nga pala si Janina Mendez De Guzman. Pero pwede niyo rin akong tawaging Janne. Ang pangit noh?! Si mama kasi ehh. Bibigay bigay ng pangalan tapos bibigyan ng palayaw na baduy. Pero biro lang. Baka sabihin niyo sinisiraan ko nanay ko sa inyo. Mahal na mahal ko yun ehh. Ako nga pala ay labing-anim na taong gulang. Panganay sa isang kapatid. XD Dalawa lang po kaming magkapatid. Siya si Jeriah Mendez De Guzman. Lalaki po yan, mukhan babae lang yung pangalan.
“Janne, anong kulay ng gown mo?” tanong ni Gelay.
“Grabe ka naman! Hindi ko pa alam noh! Sa susunod na linggo pa naman yung JS ahh. Biyernes pa lang ngayon. Hindi ka naman excited noh?!”
Ang kulit ng bestfriend ko noh?! Siya si Angelica Mariz Dizon. Bestfriend ko na siya simula nung nasa unang taon pa kami. Matagal-tagal na rin ang aming pinagsamahan. Kabisado bawat galaw. Kaya mahal na mahal ko yan ehh..
“Hindi mo halata?! Basta yung akin color violet. Pero wala pa akong nabibili.” Sabi niya.
“Hahaha! Parehas pala tayo. Pero mahaba pa naman ang hihintay eh. Isang linggo pa kaya makakapaghanda pa tayo ng matagal.”
“Sabagay. Pero bes, meron ka ng ka-partner sa JS?” sabay tanong niya.. -_-
“Ahh.. Ako?! Wala! Wala namang lumalapit sa akin ehh..”
Biglang tumunog yung bell. Senyales na mag-uumpisa na ang klase.
Oo nga. Wala pa akong kapareha. Eh kasi naman walang lumalapit sa aking mga lalaki kong kaklase. At saka wala naman akong crush o gusto dito sa classroomeh. Wala din sa buong eskwelahan na ito. Ewan ko. Hindi po ako umiibig eh. Siguro bata pa ako para dun. Pero hindi ko din masasabi. Marami na akong nabasa o napanood ng love story ehh.. Nawawala sila sa sarili kapag nararanasan na nila yun. Ang magmahal. Eh basta kaya ko namang maghintay eh. Hangga’t wala pa akong nahahanap na karapat-dapat para sakin. Ayyyy! Hindi pala! Sila pala maghahanap sakin! :P XD