Nakakalungkot isipin na ang mga nasasakupan ko pa ang nag-paalis sakin at nagtaboy.
Tama nga ang nakaukit sa Sagradong Bato...
'Matatapos ang pagmamahal na siyang mapapalitan ng galit at kalungkutan,
Na siyang magwawakas sa tiwala ng bawat isa,sila ang magtataboy at sila rin ang papatay.maghanda sa anomang suliranin at sa naka-ambang panganib na maiidudulot nito.'Nawaksi ang aking iniisip dahil nararamdaman kong nandiyaan na sila,mahirap mang tumayo ay pinilit ko upang hindi nila kami mahabol.
masakit isipin na pinagka-isahan nila kami,kami ng lahi namin.
Hindi ko iniinda ang mga matutulis na kahoy na aking naapakan,ako'y tumakbo ng mabilis upang hindi nila kami maabutan.
Mga gahaman at matapobre sa kapangyarihan!mga walang kwenta at utang na loob sa tumulong sa kanila,maging ang aking asawa at kapatid ay hindi ko inaakalang sila ang mamumuno sa pagpapatalsik sa akin at sa lahi ko.hindi!hindi ko pala siya kapatid!siya'y isang gahaman na ampon ng aking ama't ina!
"pangako aking prinsesa,babalik ang sa atin at magdurusa sila gaya ng ating natatamong paghihirap ngayon,pangako'y hindi ka iiwan at hindi ka mag-iisa"naluluhang sabi ko sa aking bitbit na sanggol,ang prinsesa ko,ang anak ko.
"Habulin ang pangahas na salamangkera!"ang rinig kong sigaw ng pinuno ng kawal
Takbo lamang ako ng takbo sa masukal na kagubatan na ito,hindi nila dapat kaming mahuli!
Nadapa ako sa aking pagtakbo,marahil ay may punong ugat na tumalisod sa akin.dali dali akong nagkubli sa isang malaking bato upang hindi nila kami mataman.
hinihingal akong napasandal sa batong aming pinagtataguan ng aking anak kailangan kong maikubli ang aking prinsesa hinding hindi ko hahayaang mapasakamay nila ang aking anak!siguradong ikapapahamak ito ng aking anak at gagamitin siya sa kasamaan.
kung hindi lamang ako sinumpa ng aking sariling ina ay malalabanan ko silang lahat pero wala na ako,wala na ang pagiging isang itim kong salamangkera!kung hindi dahil sa aking ampon na kapatid ay hindi sana ako maisusumpa ng aking sariling ina!
Mga hayop sila!mga walang kwenta!
Hindi ko naman mahal ang aking gahaman na asawa,at hindi rin siya ang ama ng aking anak!dahil sa kanilang dalawa ng aking gahaman na ampon kong kapatid wala sana ako sa ganitong sitwasyon!
"Ibigay mo na sa akin ang iyong anak kung ayaw mong may dumanak na dugo dito!"hinihingal na saad ng pinuno ng mga kawal sa harapan ko.
mukhang ito na ang katapusan ng aking buhay!pero hindi ang buhay ng aking anak!
"dadanak talaga ang dugo dito kung kukuhanin niyo ang aking anak!"matapang na sabi ko sa kaniya.
bigla niya nalang itinapat sa aking mukha ang kaniyang matulis na sibat.
"talagang matapang ka munting reyna mali yata!tama alipin ka na lang!kaya kung ayaw mo talagang dumanak ang dugo mo at ng dugo ng iyong anak ay ibigay mo na siya sa amin at makakaalis ka na ng matiwasay!"ang saad niya ng may munting ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi.
sisiguraduhin kong mabubura ko ang ngiti sa iyong labi!
"hinding-hindi ko ibibigay ang aking anak kahit na dumanak pa ang dugo ko!"matapang na sabi ko sa kaniya.
nawala naman ang nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi at ito'y napalitan ng kaniyang pag-tangis bagang.
"talagang matapang ka alipin!"sabi niya.
isasaksak na niya sa akin ang kaniyang matulis na sibat pero natigil iyon at may matulis na pana ang nakabaon sa likod nito at tumagos pa ang kabuoan ng ulo ng pana sa kaniyang tiyan,kahit na naka lasag si Garon ay tumagos parin ito
napangiti ako sa kaniyang pagdating!ang tunay na ama ng aking prinsesa.....
YOU ARE READING
Ang Itim na Salamangkera
Fantasy'Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may magliligtas saiyo,matuto kang tumayo sa sarili mong paa' Ang mga Itim na salamangkera ang tinuturing na pinakamalakas at makapangyarihan sa mundo nila. Dahil sa gahaman at maramot ang mga iba ay napunta sa pilig...