Ang mundo ay bilog, hindi oblate spheroid. Natuklasan ito ni Ferdinand Magellan dito sa Pilipinas.
Minsan, nagiisip tayo ng kung ano-ano tuwing klase at siyempre kung wala ka nang magawa sa buhay. Ito ay tinatawag na Daydreaming. Nangyayari ito minsan o kaya araw-araw.
Sa isip mo, gumagawa ka ng kahit anong istorya na hindi pala mangyayari sa totoong buhay na kagaya ng pagpunta sa Mars para lang makita ang mga aliens, pagiging isang prinsesa, pagiging warrior, at marami pang iba.
Minsan nga hindi totoo, pero minsan totoo. Kagaya na lamang ng pagiging successful mo sa pag-aaral, pag-aasawa, pagre-reproduce ng anak, at marami pang iba.
Minsan nga nagtatanong din tayo sa sarili natin kung hindi mo alam kung bakit nagawa lamang ang isang bagay para sa ating buhay. Nagtatanong din tayo kung paano o kailan nila ginawa itong bagay na 'to.
Bakit ba tayo nag aaral ng mabuti? Bakit ba tayo nagawa ni Lord? Bakit ba nagawa ang Mother Earth?
May pagkakaiba ba ang orange na kulay sa orange na prutas? Bakit ba may iba't ibang bansa dito sa daigdig eh pwede namang magsama o kaya magtulungan? At bakit may Mercury, Venus, Mars, etc. dito sa solar system pero wala naman naninirahan dito?
Oh my gosh! Ang dami kong tanong. Ganun talaga kapag magdaydream ka o kaya may problema ka sa buhay mo. Pero may itatanong ako, paano kaya kung magkatotoo pala ang nasa panaginip mo? Pati na rin sa isipan mo? Paano kung ma-trap ka sa isang panaginip mo na kasalukuyan mong iniisip? Makakatakas ka ba? Bilang protagonist, anong gagawin mo? Ay, tinatanong ko pala ang sarili ko. Ako kasi ang protagonist dito.
Ako pala si Andrea Zubiri, ang main protagonist niyo at diyosa ng kagandahan, joke lang. Kabaliktaran lang ang sinasabi ko. Diyosa ako ng kamalasan. Kung gusto ninyo akong tulungan, gagawin ko kayong sidekick ng buhay ko. Please tulungan ninyo ako, na-trap ako. Hindi ko mamulat ang mga mata ko. Hindi ko rin matulungan ang sarili ko. Help me! I'm begging you!
BINABASA MO ANG
Daydreaming Syndrome
FantasyNagagawa niyo bang magdaydream? Si Andrea Zubiri ay laging biktima sa pagbubully. Laging inaasar, binubugbog, at binabatuhan. Pati pamilya niya, lagi siyang inaabuso. Kaya nagtry siyang magdaydream.Nagkulong siya sa kuwarto at nanaginip siya. Nang m...