Meet the loner and the bullied one

6 2 0
                                    

A/N

English:

This is my first story that was written in Taglish. In this chapter, I dedicated it to pikachu200328. I am writing English stories in my first account, LeeHeart999, while in this account, I am writing Taglish. So, what are you waiting for? Continue reading it. Let's go!

Kung hindi niyo naintindihan:

Ito ang pinakaunang kuwento na nagawa kong Taglish. Dito sa chapter na ito, idededicate ko 'to kay pikachu200328. Nagsusulat ako ng Ingles sa pinakauna kong account na nagngangalang, LeeHeart999, dito naman, nagsusulat ako ng Taglish. So, ano pa ang hinihintay niyo? Ituloy niyo na ang pagbabasa. Tara!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Andrea Zubiri's Point of View

Sa totoo lang, marami ditong masaya at successful. Marami ditong may mahal sa buhay, lahat ng gusto natutupad, at siyempre napapakealaman. Marami dito ang may kabonding, may ka-love life, at siyempre pera. Paano ba tayo makakapagbonding kung wala tayong pera? Lahat dito ay exist, may kahalagahan, may pag asa, may kagandahan, may talento, at may mukha maliban lang sa isa.

Ako pala si Andrea Zubiri, naniniwalang pinakapopular sa lahat, sa kabaliktaran. Ako pala ay naniniwalang may kagandahan lang ako kapag nakatalikod. Wala akong kaibigan pero meron akong nanay, tatay, at kuya, na kumbaga hindi ako minamahal. Lagi akong biktima sa pambubully. Pinipilit ko na nga ang aking magulang na lumipat sa ibang eskwelahan kaso tumatanggi sila. Sabi nila, next time na lang. Eh, paano kung college na ako, maguulit ba ako ng Highschool para lang hindi ako makalipat ng school? Wow, bwisit!

Bwisit talaga ang buhay na 'to! Wala ng nagmamahal sa akin. Daig pa ako ng mga hayop. Daig pa ako ng mga insekto. Daig pa ako ng mga paslit. Marami silang pakikisamahan sa buhay. Sana hindi na lang sana ako nabuhay dito sa Mother Earth. Nakakasawang tingnan. Ang dumi ng paligid. Hindi naman umuunlad. Si Digong kasi.

Maganda ngang mabuhay diyan. May laruan diyan. May pagkain diyan na masarap. At may mga bagay na gusto mong gawin pero ang kulang dito ay ang pagmamahal sa isa't isa. Dapat ba tayong ganyan araw-araw? Maging SELFISH at MAYAYABANG? Wala na bang maibabago dito?

January 1,2016

Fugu, Jones, Isabela

4:30 am

Phone display

---Alarm clock ringing---

snooze or dismiss

Hay naku! 'Yan nanaman ang aking mahiwagang cellphone. Ang ingay! Parang nakarinig ka lang ng 10 mahiwagang kambing. Dahil sa maingay ang alarm, namulat ang mga mata ko. 4:30 na pala. Kailangan kong agahan para hindi nanaman ako papulutin ng kalat sa corridor o kaya sa labas. Nakakainis kasi ang mga style ng Principal namin. Ang strikto sa mga estudyante pero kapag sa mga kavibes niya, mabait siya. Bakit ganun? Tao naman kami ah.

Nakabangon na ako. Pinindot ko ang dismiss button. Pumunta ako sa banyo, kumanta kanta muna ng Let it Go by Idina Menzel habang tumatae sa kubeta. Ang baho! Parang tae ng kalabaw! Pagkatapos, brinush ko ang ngipin kong sungki at bungi bungi at binuhos ko kaagad ang tubig ng madalian. Ang lamig! Nalimutan ko palang lagyan ng mainit na tubig kasi wala kaming gripo. Kaya nagmadali akong isuot uli ang aking damit at kunin ito sa labas at umakyat sa second floor ng bahay dahil doon ako naliligo. Ayun, rabadabango, naliligo na ako. Nagshampoo ng Palmolive at kumanta ng theme song nito. Nag sabon ng Safeguard at nagbanlaw. Siyempre nag punas na ako, gumamit ng Rexona, at nagsuot ng damit. Ang hirap pa lang magmadali.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daydreaming SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon