Pagkadating ko sa bahay wala sila nanay at tatay. Naisip ko baka nasa sakahan sila ngayon.Pagdating ko sa sakahan nakita ko yong mga magsasaka don na nag-aani pati sila nanay at tatay.
Tinawag ko sila agad Nay,tay uwi muna tayo.Anak,teka tapusin muna namin to total malapit na kaming matapos. Sabi ni tatay ko.
Bilisan niyo tay ah may sasabihin ako sa inyong importante,hihintayin ko po kayo.
Oh sige maupo ka muna diyan.
Biglang sumagi sa isip ko na kung ano ang mangyayari bukas pagkatapos ng operasyon kung buhay paba ako o kung ano, Ang inaalala ko lang sila mama at papa gusto ko silang pagmasdan sa kung paano nila itanuguyod ang aming pamumuhay sa simple at malinis na paraan,sana matanggap agad nila
Oy Keven!!!
Ay kalabaw!!! (Sigaw kong pagkasabi) Nanggugulat naman kaya tay.
Grabe ka naman anak kalabaw ba talaga turing mo sa akin na hurt ako dun ah?
Wow may pa joke pa si tatay oh at may nalaman pa na hurt lumelevel up kana tay ah,ginulat mo naman kasi ako eh.
Di biro lang nak pinapatawa lang kasi kita eh para kasi ang layo ng lipad ng isip mo, may problema kaba nak?
Wala tay may good news po ako sa inyo ni nanay.
Ano yon?
Nanalo po ako tay sa kontes na sinalihan ko at may premyo pa!!!
Ano nak nanalo ka? (Sabi ni nanay sa malayo)
Oo nay,tay
Oy mga kumare kumpare narinog nyo yon nanalo anak ko at dahil diyan magpapapansit kami bukas!.
Wag na tay,gasto lang yan.
Di nak walang mahal na anumang bagay dahil ikaw lang ang mahal namin ng nanay mo.
Oo nga proud kami sa iyo nak,kailan man di mo kami binigo.
Uy nay tay uwi na tayo bago pa mauwi ito sa drama, kain narin tayo gutom na ako eh.
Ako rin ma,gutom na (sabi ni tatay).
Sige ipagluluto ko ang mag-ama ko ng masarap na ulam.
Pagkatapos naming kumain sinabi ko kila tatay na pirmahan nila yong form.
Nay,tay pirma po kayo dito oh
Yan ba yong form na nagsasaad ng pagkapanalo mo nak?
Opo nay
Basahin mo nga yong nakasulat diyan nak ?
Wag na nay di na po kailangan basta pirma lang kayo rito.
Ah sige,patawad nak ah hindi kasi namin naiintindihan yong nakasulat diyan.
Ok lang yan nay,Oh tapos na pala sige una na ako sa kwarto ko at ng makapagpahinga na ako.
Sige mabuti pa yan nak at ng makapagpahinga narin kami ni nanay mo.
Pagkapasok ko palang sa silid humiga na agad ako at natulog para di ko masyadong isipin ang mangyayari bukas.
Kinabukasan pumunta na ako sa hospital masyado pang maaga kaya pumunta muna ako sa munting altar doon at ng makahingi ng tawad at tulong sa diyos.
"Panginoon una sa lahat gusto ko pong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko lalo na pamilya ko , dahil nagawa ko silang lokohin para rin naman ho yon sa taong minamahal ko rin,at sana ikaw narin po bahala mamaya at kong mawala man ako rito kayo na po ang bahalang magbantay sa mga malalapit na tao sa akin,maraming salamat ulit,Amen.
Pagkatapos kong magsimba pumunta ako sa kwarto ni Kershe para dalawin siya at sakto wala dito yong mommy niya kaya ako muna magbabantay sa kanya.
Umupo ako sa tabi niya,sinabi ko sa kanya kong gaano ko siya kamahal.
"Alam mo Kershe ikaw lang ang una at huli kong mamahalin pero okay lang nawala kang nararamdaman sa akin at least kinakausap mo ako kaysa wala magpagaling ka ah love na love kita.
.
.
.
Hoy!Gising bakit ka natutulog rito,pinagpapasyantahan mo Gf ko no?Ano kaba binabantayan ko lang siya Adrian!!!
Hoy umalis kana dito gago ka itong tatandaan mo palagi to na "Kailan man hindi mo siya maagaw sa akin magkamatayan man tayo". Umalis kana bago pa kita masuntok ulit.
Anong nangyari dito? (Sabi ni tita Melody na kararating lang sa loob.
Wala po tita (sagot ni Adrian)
Sige paalam na po Aling Melody baka magsisimula na po yong Ope...
Alam ko na ijo,sige sana ay maging matagumpay yon at sana walang mangyaring masama sayo,salamat ulit ijo ah.
Walang anuman po,sige punta na po ako don .
Ijo kumusta?,Nagawa mo ba?
Opo dok at matutuloy na po tayo ngayon dahil napirmahan na po to.
Well halika kana at simulan na natin ang operasyon.
Habang nakahiga na ako nagprepare na ng gamit ang mga doktor at bago magsimula ang operasyon pinalalahanan ulit ako ni dok.
Tandaan mo ijo kulang kami sa gamit rito so 50:50 ang buhay mo pero magiging successful ang paglipat ng mata mo sa pasyente.
Ang Dios na po ang bahala sa akin.
Nakita kong ipinasok nila si Kershe sa loob kaya sinabi ko kay dok kung pwede ko ba siyang mayakap sa huling sandali bago simulan ang operasyon pumayag naman kaya pinuntahan ko agad si Kershe. Ito na naman tumutulo na naman luha ko iyakin talaga ako, niyakap ko ng mahigpit si Kershe at bumulong sa kanya ng mahal na mahal kita.Halika na ijo simulan na natin. (Sabi ng doktor sa akin)
Pumunta na ako sa kanila at sinimulan na nila ang operasyon.......
A/N: Don't be a silent reader tell me what you think about the story.
#PRETTY PLEASE...
BINABASA MO ANG
Crush Ni Pangit
Kısa HikayeHindi naman talaga natin maiiwasan na mahulog at mainlove sa isang magandang babae lalo na kong kaibigan mo na malapit sayo kahit na may boyfriend na siya o sabihin natin na taken na. Lahat kaya mong tiisin at gawin kahit na ang kapalit nito ay ang...