iii

1.2K 32 1
                                    

Eliazo, 7am

Nakaramdam ako ng sikat ng araw na tumama sa mukha ko dahilan para idilat ko yung mga mata ko.

What a great morning to start the day with.

I checked my phone to see what time is it at nanlaki yung mga mata ko nung nakita kong alas syete na. Nagmadali akong bumangon sa higaan ko para gisingin sila Ella pero anak ng tipaklong wala na sila sa mga higaan nila. Lumabas ako ng kwarto namin para icheck sila sa kusina pero wala. Wala na sila. Ramdam mo talaga pagmamahal nila eh.

Pambihira naman Alyssa ngayon ang finals nyo.

Nagmadali akong pumasok sa shower room at naligo na. Hindi na 'ko kumain dahil 7:30 ang start ng exams ko.

Halos tumatakbo na 'ko para makarating agad sa building namin para naman makaabot kahit papaano. I look at my wrist watch while running and it's only fudging 5 minutes left before 7:30 and sure akong nandun na yung prof ko.

Nako mamaya kayo saken Dennise, Jorella at Amy. Bubuhusan ko talaga kayo ng kumukulong tubig.

While I'm in a rush, nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Napahinto naman ako at kunot noong pinipilit na aninagin kung sino yung loko lokong driver na 'to pero dahil dark tinted ang sasakyan, hindi ko makita.
Tatakbo na sana ako ulet ng may tumawag sa pangalan ko at nilingon ito.

"ANO BA!? DI MO BA NAHAHALATANG NAGMAMADALI AKO?" Singhal ko at nakita si Thirdy na binaba yung bintana ng kotse nya.

"Tara na ate Ly! Sabay ka na saken" Pag aaya ni thirdy. We've been kinda close kasi nakasama ko sya ng isang beses sa campus tour namin last year. Not so close pero keri na.

"Hindi na thirds. Thank you nalang" Pagtanggi ko at tutuloy na sana sa pagtakbo ng nagsalita ulet sya.

"Ate Ly 7:27 na! Tara na male-late ka" Sigaw ulet ni Thirdy. Oo nga pala. Napailing nalang ako at pumasok na sa kotse nya then he started driving.

"May kotse ka na pala Thirds" Sambit ko pagpasok na pagpasok sa sasakyan nya. Nginitian nya lang ako bilang sagot.

Kinakapa ko yung perfume ko sa bag ko to freshen up dahil amoy araw na 'ko at nakakahiya naman sa bango ng kotse nitong si Thirdy. Infairness, good sense of smell.

"Ayy anak ng pating" Gulat kong sambit dahil nahulog pa yung eyeglasses ko sa may ilalim ng upuan  kaya kinuha ko ito. Natawa naman si Thirdy sa sinabi ko. Aba't kelan pa ko naging clown?

Saktong 7:30 ng marating namin yung building ko, dali dali naman akong bumaba ng kotse nya at sumilip muna sa bintana ng kotse bago tuluyan ng umalis.

"Thanks Thirds. I owe you big time!" Sabi ko at nagsimula ng maglakad palayo sa kotse.

"ATE LY! GOODLUCK!" Pahabol na sigaw ni Thirdy. I just waved my right hand habang nakatalikod na naglalakad at tumakbo na.

Good thing, ibinibigay palang ng prof namin yung questionnaires ng makarating ako kaya dumiretso na 'ko sa upuan ko.

Haaaayy big thanks to Thirdy. Kung anong ikina-anghel ni thirdy, ganun naman yung ikinademonyo ng kuya nyang si Kiefer.

And the exams goes smooth as I never expected. Good thing, hindi ako masyadong nagtatakbo kanina papunta dun sa building na yun dahil kung hindi ay malamang naglaho na yung mga nireview ko dahil sa pressure.

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko habang naglalakad pabalik ng Eliazo at nag tipa ng message para kay Thirdy.

To: 3rdy

Thank you ulit 3rds! Good thing nakaabot ako sa exams namin kanina. All thanks to you! Bawi ako next time pag pasado haha!

Stars Are Nothing Without You (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon