11 - The Confession

7.1K 398 65
                                    

Glaiza

"Sa attic din pala ang kwarto mo?" tanong ko kay Rhi pagpasok namin ng kwarto niya.

"Bakit sa attic din ang room mo?" balik niyang tanong.

"Oo." tipid ko lang na sagot. Pagpasok namin ay deretso siya sa closet niya at may kinuha saka lumapit sa akin ng may dala ng damit.

"Here, bago lahat yan including the undies." ngiti niyang sabi. "There's the bathroom, go and get changed." sabay turo niya ng pinto ng banyo."May bagong toothbrush din sa loob, don't worry."

"Salamat." nasabi ko lang saka ako naglakad papasok ng banyo. Nag shower muna ako, ang sarap sa pakiramdam, napagod ako sa biyahe at kulang ako ng tulog dahil sa maraming ginawa sa bayan, malapit na kasing piyesta eh. After shower ay naghanap ako ng toothbrush at nang makita ko ay binuksan ko at ginamit. Habang nagtotoothbrush ako ay bumalik sa akin ang imahe ni Rhian. Nakapikit kong inaalala. Iniiwasan kong tingnan si Rhian kanina dahil kasama namin ang Mommy niya pero hindi ko maiwasan ngayong kaming dalawa na lang. Kahit anong isuot niya, sa simpleng damit man o kahit anong klaseng suot niya ay para siyang diyosa. At ang suot niya ngayon, susme hindi ko maiwasang hindi mapatingin. Wala pang asawa pero ang pantulog niya parang may inaakit
na, alam naman niyang babae ang gusto ko tapos ganon ang suot niya at gusto pa niya tabi kami? Tinutukso ba niya ako o gusto lang talaga niyang malaman kung magkakagusto ako sa kanya? Seryoso ba siya o nanunukso lang talaga? Hindi ko mapigilang maguluhang mag isip.

Nagulat ako ng pagmulat ko ay  nakita kong nagkalat na ang toothpaste sa damit ko. Hala! pano na to, kasi naman Cha ang toothpaste sa ngipin hindi sa damit. Kainis paano na to? Tanong ko ulit sa sarili ko.

Paglabas ko ng bathroom ay nakayuko ako at hawak hawak ko ang tshirt ko na parang pinapaypay.

"Mainit ba?" rinig kong tanong ni Rhi at napatingin ako sa kanya.

"H-hindi, kasi ano." hindi ko makuhang sabihin saka siya lumapit sa akin at napansin ang suot ko.

"What happened to your shirt?" takang tanong niya.

"Nagtotoothbrush kasi ako dko namalayan napatakan pala ng toothpaste ang tshirt ko...mo pala." sagot ko at nakita ko siyang napangiti.

"Hindi ka marunong mag toothbrush?" tanong niya sabay tawa at hindi na ako hinintay sumagot dahil naglakad na siya muli sa closet at kumuha ng shirt.

"Take off your shirt." utos niya ng magkaharap na kami habang hawak niya ang pamalit, tinitigan ko lang siya.

"Maghuhubad ako dito? Sa harap mo?" tanong ko. Susme, wala akong bra at gusto niya maghubad ako sa harap niya?

"Yes, what's wrong with that? We're both girls." walang malisya niyang sabi.

"I like girls." patol ko sa sagot niya.

"And?" balik niya.

"Rhi."

"Does it matter even if you like girls but if you don't like me?" mahina niyang tanong na nakatitig sa akin.

"It does matter...most...lalo na dahil...g-gusto kita." hindi ko na napigilang sabihin and I saw her smile that reflected in her eyes.

"You like me as a friend?"

Umiling ako. "H-higit pa sa kaibigan." mahina kong sagot. Ano ba to may sarili ng utak ang bibig ko. Napatungo na lang ako, naramdaman ko siyang naglakad at pumwesto sa likod ko at dahan dahan itinaas ang suot kong tshirt.

"Change your shirt first, malamig dito sa kwarto at basa ang tshirt mo." sabi niya habang itinataas ang tshirt ko at wala na akong nagawa kundi itaas na lang ang mga kamay ko. Nang tuluyan na niyang naalis ang tshirt ay naramdaman ko ang palad niya sa likod ko. "Wow toned muscles." paghanga niyang sabi. "May tattoo ka rin pala sa batok." pansin niya habang hinawakan ang batok ko. Nakita niya siguro ang batok ko ng mahawi ang buhok ko sa pagkakaalis ng tshirt. Hindi ko makuhang makapagsalita dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam ng dumampi ang palad niya sa balat ko. Nagising na lang ang diwa ko ng maramdaman ko ang pagsuot niya ng tshirt sa ulo ko at awtomatikong sumunod ang mga kamay ko. "There." sabi niya ng maisuot niya nang tuluyan ang tshirt sa akin.

Thirty Days To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon